TAXI DRIVER BINAUNAN NG BALA SA ULO

MASUSING iniimbestigahan ng Manila Police District ang motibo ng pagpatay sa isang 59-anyos na taxi driver na binaril sa ulo habang nagkakape sa isang maliit na stall sa Roxas Boulevard, Malate, Manila, nitong Sabado ng hapon

Namatay noon din ang biktimang si Danilo Mahilum, may asawa at residente ng Little Tagaytay St., Marulas, Valenzuela City.

Base sa inisyal na ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro ng MPD-Homicide Section, bandang alas-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Service Road ng Roxas Blvd. sakop ng Brgy. 699 sa Malate.

Patuloy ang pangangalap ng testigo ng mga awtoridad para sa ikalulutas ng kaso na kinasasangkutan ng suspek na sinasabing nakasuot ng short pants, face mask, ball cap at may backpack at sling bag.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakaupo sa monobloc chair habang nagkakape ang biktima nang biglang sumulpot sa likuran ang suspek at binaril sa ulo ang taxi driver.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Ermita. (RENE CRISOSTOMO)

193

Related posts

Leave a Comment