TERMINATION NG IMPEACHMENT VS VP SARA INIHAIN SA SENADO

HINDI pa man pormal na nasisimulan sa Senado ang impeachment trial, inihain ni Senador Robin Padilla ang Senate Resolution 1371 na nagdedeklarang terminated o tapos na nag impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ikinatwiran ni Padilla na mag-aadjourn sine die na ang Kongreso sa Hunyo 13 at lahat ng proceedings nito ay matatapos na.

Binanggit niya sa resolusyon na hindi maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.

Nakasaad din sa resolusyon ang Rule 44 Sec. 123 ng rules of the Senate kung saan ang lahat ng nakabinbin na trabaho at proceedings ng Senado kasama ang mga hindi naipasang panukalang batas at mga imbestigasyon ay dapat na ma-terminate oras na ma-expire o matapos ang isang Kongreso.

Nangangahulugan lamang aniya na hindi maituturing na “continuing body” ang Senado kaya lahat ng “articles of impeachment” na isinumite ng Kamara sa Senado noong Pebrero 5 ay dapat na ideklarang terminated alinsunod sa rules.

(DANG SAMSON-GARCIA)

26

Related posts

Leave a Comment