TEVES MULING AAPELA SA TIMOR LESTE

BALAK maghain ng apela ang kampo ni dating Negros Oriental Congressman Arnulfo Teves Jr. sa korte sa Timor Leste.

Sa isang press conference sa Malate, Manila, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng dating kongresista na inaasikaso na ng kanyang legal team sa East Timor ang hakbang para sa usapin ng pagpapabalik sa bansa ng dating mambabatas.

Umaasa si Atty. Topacio na masisilip ng appellate court ang merito ng kanilang argumento.

Sa ngayon aniya, malaya naman nakagagalaw si Teves sa naturang bansa at hindi naman ito nakakulong.

Pero, hindi ito basta makalabas ng bansa dahil kanselado na ang kanyang pasaporte.

Kaugnay nito, optimistiko ang Department of Justice (DOJ) na sa lalong madaling panahon ay maiuuwi na ng Pilipinas si Teves para harapin ang patong-patong na kasong kriminal na isinampa laban sa kanya, kabilang ang mga kasong pagpatay at paglabag sa anti-terror law. (JULIET PACOT)

79

Related posts

Leave a Comment