Kalakaran sa Kongreso ATTY. RODRIGUEZ KONTRA SA LIQUIDATION BY CERTIFICATION

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

TATRABAHUHIN ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez na mawalan ng bisa ang Concurrent Resolution No. 10 na nagbibigay pahintulot sa Senado at House of Representatives na mag-liquidate ng kanilang gastos sa pamamagitan lang ng certifications na nilagdaan ng mga mambabatas sa halip magsumite ng official receipts.

Isa ito sa mga plano ni Atty. Rodriguez sakaling palarin na maluklok sa Senado sa 2025 midterm election.

Sa isang pagtitipon kamakailan sa Brgy. Hall ng Barangay Balibago, Angeles City, kasama ang mga dumalong kinatawan mula sa Bataan, Aurora, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at iba pa, binigyang-diin ni Rodriguez ang kahalagahan ng matinong pamamahala.

Aniya, hindi tama na ‘by mere certification’ lamang ang patunay na inilalabas ng mga mambabatas kung paano nila ginastos ang pondo ng bayan.

Aniya, hindi ang mga mambabatas ang magsasabi na tama ang kanilang paggamit ng pondo kundi ang Commission on Audit (COA) dahil trabaho nila ito.

Patuloy na ikinakampanya ni Rodriguez ang kanyang sinimulang war on corruption na unti-unti ay nakakakuha ng suporta sa taumbayan.

Patunay rito ang mga paanyaya sa kanya sa ilang mga lugar tulad sa Gandus Park Homes sa Brgy. Gandus, Mexico, Pampanga kamakailan.

Pinasasalamatan ni Rodriguez ang mga lider ng mga komunidad na kanyang pinupuntahan sa kanilang mainit na suporta at kaisang paniniwala na kinakailangan ngayon sa Senado ang tunay na oposisyon.

72

Related posts

Leave a Comment