IPINANGAKO ng pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) na tuloy ang pagpapatupad ng halos P30 bilyong halaga ng tatlong “malalaking proyektong patubig” ngayong taon nang walang aberya.
Ayon sa NIA, ang tatlong proyekto ay ang P13.37 bilyong halaga ng Tarlac Balog-Balog multipurpose, P11.2 bilyong halagang Jalaur River multipurpose sa Iloilo at P4.37 bilyong halaga ng Chico River pump irrigation sa Kalinga.
Idiniin ng NIA na napakalaki ng maitutulong ng nasabing mga proyekto sa pagpapalaki ng produksiyon ng mga magsasaka at maggugulay na makikinabang sa mga proyekto.
Napakahalagang aspeto ng agrikultura ang patubig, kaya naninindigan ang NIA na mailulunsad ang halos P30 bilyong halaga ng tatlong proyekto nang walang aberya habang isinasagawa ang mga ito. (NELSON S. BADILLA)
