TOP 5 MOST WANTED SA MURDER, TIMBOG

KALABOSO ang isang 48-anyos na lalaki makaraang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong pagpatay sa Tondo, Manila noong Sabado.

Nahaharap sa kasong murder ang arestadong suspek na si Arnold Laon y Cabag, 48, may asawa, residente sa Area B, Gate 12, Parola Compound, Tondo.

Batay sa ulat ni P/ Lt. Christopher Duque na isinumitie kay P/Lt. Col. Evangeline Cayaban, station commander ng Manila Police District- Delpan Police Station 12, alas-2:25 ng hapon nang arestuhin si Laon sa Gate 12 ng nabanggit na lugar, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Cicero Jurado ng Manila Regional Trial Court Branch 12.

Walang inirekomendang piyansa ang nasabing korte para sa suspek.

Ang suspek na itinuturing na top 5 most wanted person sa buong NCRPO, ay inaresto ng magkasanib na puwersa ng MPD, Regional Special Operation Group, na pinangunahan ni P/Capt. Elvin John Tio, team leader. (RENE CRISOSTOMO)

153

Related posts

Leave a Comment