ITO ang ulat nitong Biyernes ni 2nd Infantry Division commanding general, Maj. Gen. Greg Almerol, kasunod ng marching order ng bagong talagang chairman ng Joint Chief of the Armed Forces of the Philippines na si Gen. Cirilito Sobejana.
Sa ulat na natanggap ni MGen. Almerol, napaslang ang NPA top leader na kinilalang si Ronnel Batarlo alyas “Marwin,” sa isinagawang military operation sa Sitio Pung-uy, Barangay Masaya, Buenavista Quezon nitong Biyernes ng madaling araw.
Ayon kay 2nd Infantry Division Public Affair Officer Captain Jayrald Ternio, napatay Si Batarlo sa kasagsagan ng sagupaan na tumagal ng halos isang oras bago umatras ang mga rebeldeng komunista.
Narekober ang militar ng isang M16 rifle at M203 grenade launcher sa encounter site.
Inihayag pa ni Capt. Ternio, ang nasabing ng NPA groups na nakasagupa ng kanilang mga tauhan, ay responsable sa iba’t ibang terroristic activities at pananambang sa Barangay San Juan sa San Narciso, Quezon noong nakaraang taon.
Isang sundalo ang nasugatan sa nasabing enkuwentro, habang nagpapatuloy ang pagtugis sa tumakas na mga NPA.
Kaugnay nito, muling nanawagan si Gen. Almerol na samantalahin ng mga rebeldeng NPA ang alok ng gobyerno na pagbabagong buhay upang hindi mangyari na magbuwis pa ng buhay sa maling ipinaglalaban.
“We therefore encourage the rest to surrender and return to the folds of the law before it’s too late,” ani Almerol.
Siniguro naman ni Almerol na lahat ng available assets ng militar ay nakahanda sakaling kailanganin.
Nagpapatuloy rin ang hot pursuit operations ng militar laban sa mga komunistang terorista na nag-o-operate sa Quezon province. (JESSE KABEL)
243
