TRAVEL BAN EXTENDED ULIT

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin pa ang kasalukuyang travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia mula Setyembre 1 hanggang 5, 2021.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang travel restrictions ay bahagi ng proactive measures para mapabagal ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases, para mapigil ang pagkalat ng variants at itaas ang umiiral na healthcare capacity sa bansa.

Matatandaang noong Agosto 15 ay inaprubahan ng pamahalaan ang kahilingan ng mga airlines na ipagpatuloy ang kanilang international transit hub operations.

Lilimitahan ang international transit hub operations sa airside transfers sa pagitan ng Terminals 1 at 2 at sa loob ng Terminal 3 ng NAIA at para lamang sa mga biyahero na mula sa mga bansa at teritoryo na nasa Green List.

Ang mga biyahero na magpapakita ng sintomas ay dapat sumunod sa isolation at quarantine protocols na dapat sagutin ng kanilang airlines. (CHRISTIAN DALE)

168

Related posts

Leave a Comment