TSINO NAGBARIL SA SENTIDO

HINIHINALANG dahil sa matagal nang karamdaman kaya nagbaril sa sarili ang isang 75-anyos na Chinese national sa kanyang bahay sa Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang biktimang si An Sing Chan y Ko, residente ng Unit 502, Ancom Building sa #1408 Tomas Mapua St. sa panulukan ng Bambang St. sa Sta. Cruz.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-1:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa tinutuluyang unit ng biktima.

Nabatid sa salaysay ni Evelyn Bandal, kinakasama ng biktima, matapos nilang mananghalian, pumasok na si Chan sa kanilang kuwarto.

Makaraan ang ilang sandali ay pumasok na rin si Bandal ngunit laking gulat nito nang makitang duguang nakahiga sa kama ang biktima at nasa tabi nito ang 380 caliber ng baril.

Dagdag ni Bandal, bago ang insidente ay nahihirapang huminga ang biktima bukod pa sa mataas na presyon ng dugo nito.

Ang bangkay ng biktima ay isinailalim sa awtopsiya upang mabatid kung may nangyaring foul play sa pagkamatay nito. (RENE CRISOSTOMO)

214

Related posts

Leave a Comment