TUGADE, VILLAR ARMADO NG P27.4-B RIGHT OF WAY BUDGET

WALANG dahilan para ma-delay ang mga proyekto ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon dahil armado ang mga ito ng P27.4 billion na Right of Way (ROW).

Ayon kay Deputy Speaker Johnny Pimentel, sa susunod na taon ay magkakaroon ng P14.8 billion ang DOTr na pinamumunuan ni Secretary Arthur Tugade na pambayad sa mga lupain at ari-arian na masasagasaan ng kanilang itatayong proyekto.

Tumataginting naman na P12.6 billion ang inilaan para sa ROW ni Secretary Mark Villar sa susunod na taon.

Ayon sa mambabatas, mas malaki ng 34% ang ROW ng dalawang ahensya ng gobyerno sa susunod na taon kumpara ngayong 2020 kung saan may pinagsamang P20.5 billion lamang o P6.9 Billion sa DOTr at P11.5 Billion sa DPWH.

“The DOTr’s ROW outlay is meant to set in motion new rail and maritime transport projects, including the North-South Commuter Railway, the Philippine National Railways’ South Long Haul and the New Cebu International Container Port,” ani Pimentel.

Gagamitin din umano ng DPWH ang kanilang ROW para mabayaran ang may-ari ng mga ari-arian at lupain sa mga itatayong bagong expressways, flyovers, bridges at flood control projects.

Base sa Republic Act (RA) 10752 o An Act Facilitating the Acquisition of ROW Site or Location for National Government Infrastructure Projects, kailangang bayaran ang mga may-ari ng mga lupa at masisirang ari-arian na masasagasaan ng mga proyekto ng gobyerno.

Dahil dito, taon-taon ay pinaglalaanan ng malaking pondo ang ROW na hiwalay sa halaga ng proyektong planong itayo ng mga ahensya ng gobyerno. (BERNARD TAGUINOD)

148

Related posts

Leave a Comment