NANAWAGAN si Senate President Vicente Sotto III na kailangang isailalim sa rehabilitasyon at maitaguyod ang mga maunlad na pamayanan upang mapanatili ang pagsisikap ng gobyerno na putulin ang impluwensya ng mga komunista.
Ito ang sinabi ni Sotto kasabay ng paliwanag na nagdesisyon ang Senado na panatilihin ang P19 bilyong pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) para sa 2021.
“Kapag natanggal mo ang insurgency sa isang area, halimbawa isang barangay or isang maliit na munisipyo o sitio, hindi natatapos ang trabaho doon. Kailangan lagyan mo iyong lugar ng mga paaralan, bigyan mo ng pagkakakitaan ang mga residente, tulungan mong makabangon muli ang mga tao. Ganoon ang dapat gawin dahil kung hindi, masisira ulit ang tingin nila sa pamahalaan. Magiging madali na ulit na papaniwalain sila sa panloloko ng mga komunista,” paliwanag ni Sotto.
“We want to sustain rural development programs that the government has already started to carry out in these barangays. Sayang naman ang efforts. But these programs cannot be sustained if their funding is cut. So we have to make sure that the government has the budget to continue what it has started,” dagdag pa nito.
Umapela si Sotto sa publiko at sa mga kritiko ng gobyerno na higit na bigyan ng pagkakataon ang kampanya laban sa insurhensya na magtagumpay upang ang mga tao sa kanayunan ay mabuhay nang normal at mapayapa.
“Maganda po ang adhikain ng programa ng NTF ELCAC. Bigyan po natin ito ng pagkakataon na magtagumpay nang sa ganun ay matigil na ang communist movement sa ating bansa. Let us all work closely in making the lives of our kababayans more peacceful,” ani Sotto. (NOEL ABUEL)
133
