TULONG TINIYAK SA MGA OSPITAL

SINIGURO ni treatment czar DOH Undersecretary Leopoldo Vega na may tulong na nakahanda para sa mga pagamutang nasa rehiyong patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Vega na hiningi na nila ang programa ng mga ospital na nasa rehiyong under critical risk classification at mula duon ay kikilos naman ang DOH para magpadala ng position for healthcare workers.

Aniya, handa nilang ibigay ang manpower o resources para masiguro na hindi makokompromiso ang pagtugon lalo na sa mga critical care patients.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Vega na may unang tulong silang naipadala sa mga kinauukulan gaya ng mechanical ventilators, high flow nasal cannula at BiPAP machines.

Kabilang na aniya rito ang Region I, 3 at Region 4-A o sa mga rehiyong nahahanay sa critical risk classification. (CHRISTIAN DALE)

331

Related posts

Leave a Comment