TULUY-TULOY NA PAGHAHATID NG LIWANAG

(KARUGTONG)

De-kalidad na serbisyo

Hindi lamang sa pagprotekta sa mga konsyumer ang nagawa ng Meralco, kundi nagpakita rin ito ng husay sa serbisyo.

Kahit pa limitado ang mobilidad dahil sa mga quarantine restriction, ang system average interruption frequency index (SAIFI) rate ng Meralco, na siyang sumusukat sa dalas ng sustained power interruption na tumatagal ng limang minuto, ay nag-improve ng 6 porsyento sa 1.409 beses noong nakaraang taon mula sa 1.501 beses noong 2020.

Samantala, ang system average interruption duration index (SAIDI) naman na siyang sumusukat sa average duration ng power interruption sa kada customer, ay nag-improve sa 138.774 minuto noong 2021 mula sa 163.003 minuto noong 2020.

Patuloy rin na napababa ng Meralco ang system loss nito. Ngayong 2021 ay nakapag-record ang kumpanya ng 5.85%- mas mababa ng 0.23% points kumpara noong 2020. ‘Di hamak na mas mababa ito sa system loss cap na itinalaga ng Energy Regulatory Commission.

Masusing Pagpaplano

Napaka-importante rin sa pagpapanatili ng mababang ­presyo ng kuryente ang proactive at madiskarteng pagpaplano ng pag-angkat ng suplay ng kuryente at patuloy na pagpapabuti ng serbisyo.

Tuluy-tuloy ang Meralco sa paghahanap ng mga bagong capacity para sa mga pang-­matagalang mga kontrata na maaaring magtagal hanggang 2046. Importante ito para ­masigurado na may sapat at angkop na kuryente sa darating na mga dekada.

Tuloy rin ang pagpupursigi ng Meralco sa paggamit ng makabagong mga teknolohiya para mapabuti ang serbisyo sa pamamagitan ng Virtual Customer Assistant o VCA at Online Customer Appointment o OCA. Sa VCA ay pwedeng makipag-usap sa customer care representative ng Meralco kahit off-site ito, samantalang sa OCA naman ay pwede nang ­mag-schedule ng oras ng pagbisita sa business centers ng Meralco.

Isa rin ang Advanced ­Metering Infrastructure o AMI sa mga proyektong nakalinya na lubos na makatutulong sa customers dahil isa itong epektibong tool para ma-monitor at makontrol ang konsumo para mas lalong ma-manage ang bills sa kuryente.

Maraming solusyon kung alam lang kung saan titingin, anong hahanapin at aalamin kung anu-anong mga sistema pa ang pwedeng pagbutihin, at lalung-lalo na kung uunahin at isasapuso ang kapakanan ng mas nakararami.

141

Related posts

Leave a Comment