Tumanggi sa checkpoint inspection MOBILE PATROL BINANGGA NG DRIVER

CAVITE – Arestado ng Cavite police ang driver ng isang Toyota Fortuner nang banggain nito ang isang mobile patrol matapos tumangging pa-inspeksiyon sa isang checkpoint sa Bacoor City.

Nahaharap ang suspek na si Adrian James Recto, 27, ng Block 17, Lot 20, Verona St., Cita Italia Subd., Brgy Mambog 3, Bacoor City, sa kasong Resistance and disobedience to an agent person in authority, paglabag sa RA 10586 at Reckless imprudence resulting in damage to government property.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Marvin Rae Calaor ng Bacoor City Police, dakong alas-2:00 ng madaling araw nitong Lunes nang mangyari ang insidente.

Nagsasagawa ng inspeksiyon ang mga operatiba ng Sector 4 Mobile sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. Real 2 ng naturang lungsod nang parahin ng mga awtoridad ang minamanehong sasakyan ng suspek na isang Toyota Fortuner na may plakatang WNQ-408.

Ngunit imbes na sumunod ang driver ay pinaharurot nito ang kanyang sasakyan patungo sa direksiyon ng SM City Bacoor kaya tinugis siya ng mga awtoridad gamit ang mobile patrol ngunit binangga ito ng nasabing sasakyan ng suspek.

Nang madakip ay natuklasang amoy-alak ang suspek na isinailalim sa breath test at nagpositibo ito. (SIGFRED ADSUARA)

136

Related posts

Leave a Comment