PBBM NAGPAABOT NG PAGBATI SA ‘BFF’ NA SI VP-ELECT SARA

bbm

TINAWAG ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na kanyang “BFF” kasabay ng pagdiriwang ng huli ng kanyang ika-44 kaarawan.

Ang BFF ay nangangahulugan na “Best Friend Forever.”

“Happy Birthday Mme Vice President!” ang pahayag ni Marcos sa kanyang Facebook post.

“Cheers to the best running mate and BFF anyone could wish for!” aniya pa rin.

Matatandaang noong nakaraang taon, nanguna ang magkapatid na Imee at Bongbong Marcos sa paglipad sa Davao City para personal na batiin sa kanyang kaarawan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sabado pa lang, Mayo 29, 2021, magkakasama nang nananghalian sina Duterte-Carpio, Imee, at Bongbong para ipagdiwang ang 43rd birthday ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mayo 31, ang mismong kaarawan ng alkalde.

“I would like to thank Sen. Imee and former Sen. Bongbong Marcos for their birthday greetings and my husband for the lunch he hosted,” sabi ni Duterte-Carpio.

Pinasalamatan naman ng mayora ang mga supporter niya na nag-virtual concert noong Linggo para sa kanyang birthday. Pinaalalahanan niya ang lahat na manatiling ligtas.

Personal namang bumati si House Majority Leader Martin Romualdez kay Duterte-Carpio. Si House Speaker Lord Allan Velasco naman, bumati rin bitbit ang mga pirmadong birthday greetings ng mga kongresista.

“Long life, excellent health, and more opportunities to serve her beloved Filipino people,” ang bahagi ng pagbati ni incoming House Speaker Romualdez.

Ipapanalangin din umano nito na mabigyan pa ng lakas ang Pangalawang Pangulo sa pagganap nito bilang ikalawang pinakamataas na lider ng bansa at bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Inspirasyon naman para sa mga Pilipino ang tingin ni outgoing Speaker Lord Allan Velasco kay Duterte-Carpio.

“Happy birthday, Vice President-elect Inday Sara Duterte! You are a great role model and inspiration to all Filipinos, particularly to the country’s new generation of leaders. It is truly an honor and privilege to be your friend and ally,” ani Velasco.

Samantala, nagpahabol din ng kanyang pagbati si outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa anak.

Good health at success wish ng Pangulo kay VP-elect Sara.

“The President’s wishes for our Vice President-elect are good health and success in her role as the second highest official of the land,” ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

308

Related posts

Leave a Comment