UAAP Season 84 women’s volleyball LA SALLE, ISUSUNOD NG ATENEO

ASAM ng Ateneo Blue ­Eagles na maulit nila sa No.2 La Salle Lady ­Spikers ang tagumpay kontra No. 3 seed University of Santo Tomas Tigresses noong Martes.

Maghaharap ngayon (Huwebes) ang Ateneo at La Salle at ang mananalo ay uusad sa UAAP ­Season 84 women’s volleyball ­tournament finals para ­labanan ang No.1 National University Lady Bulldogs.

Armado ang Lady ­Spikers ng twice-to-beat advantage, bukod sa hindi pa sila natatalo ng Blue Eagles simula noong 2017.

Ngunit nasa Ateneo ang momentum na sariwa pa sa three-set win, 25-23, 25-23, 25-20, kontra UST. (ANN ENCARNACION)

256

Related posts

Leave a Comment