UMIWAS SA OPLAN SITA, BUKING SA BARIL

CAVITE – Arestado ang dalawang lalaki makaraang mabuking sa itinatagong baril at bala nang tangkaing umiwas sa “Oplan Sita” sa Bacoor City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang mga suspek na sina Xander Cruz, 36, security officer, at Bryan Atienza, 29-anyos.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Bernie Rusiana, nagsasagawa ng anti-criminality operation “Oplan Sita” ang mga operatiba ng Bacoor City Police sa Tirona Highway, Barangay Habay 1 ng naturang lungsod dakong alas-9:00 noong Biyernes ng gabi nang parahin ang motorsiklo ng mga suspek.

Ngunit tinangkang umiwas ng mga ito kaya sinita at nakumpiskahan ng .45 kalibreng baril, .9mm kalibreng pistola at mga bala na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito. (SIGFRED ADSUARA)

269

Related posts

Leave a Comment