UNANG TAON NI BBM BILANG PANGULO PABOR SA RICH, CRONIES

KUNG mayroon mang mas pinaboran si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang unang taon sa Malacañang, ang mga ito ay iyong mayayaman at cronies at hindi ang masang Pilipino na nagluklok sa kanya sa kapangyarihan.

Ito ang opinyon ni House deputy minority leader France Castro sa unang taon ni Marcos ngayong araw, Hunyo 30.

“Despite the urgent needs of the Filipino people, we see that out of the 31 priority legislations of President Marcos Jr., only two will directly benefit the marginalized,” ani Castro.

Ang dalawang pro-poor law na ipinasa ni Marcos ay Agrarian Reform Debts Condonation at Magna Carta for Barangay Health Workers habang ang 29 batas na ipinasa ay para sa interes aniya ng mga mayayaman at cronies ng Pangulo.

Tinabla aniya ni Marcos ang mga panukalang batas na magbebenepisyo sa masa tulad ng wage hike bills gayung wala itong ginagawang aksyon para makontrol ang presyo ng mga bilihin at singil sa serbisyo publiko.

Wala ring sapat na tulong na ibinigay si Marcos sa mga magsasaka at sa halip ay inasa nito ang pangangailangan ng mamamayan sa importasyon kaya tanging ang mayayamang importers ang nakinabang.

“We urge President Marcos Jr. to focus on legislations that address the pressing concerns of the people, such as salary increases for workers, nurses, teachers, and government employees,” ani Castro sa ikalawang taon ni Marcos sa Malacanang.

Kailangan din aniyang buhusan ng pondo ang sektor ng edukasyon imbes ang Maharlika Investment Fund (MIF) at abandonahin ang mga plano nitong dagdagan ang buwis ng mamamayan.

“It is crucial that President Marcos Jr. listens to the voices of the marginalized and works towards genuine socio economic reforms that uplift the lives of the majority,” ayon sa mambabatas.

“We call on him to reconsider his priorities and ensure that his policies and legislations genuinely address the pressing needs of the Filipino people,” dagdag pa nito.

Nangako aniya ang Pangulo na iaahon sa hirap ang masa kaya ang mga ito ang kanyang dapat pagsilbihan hindi ang mga cronies at mayayaman. (BERNARD TAGUINOD)

666

Related posts

Leave a Comment