Nakikiisa ang Tala sa panawagan para tiyaking ligtas at protektado ang karanasan ng mga Pinoy sa paggamit ng digital lending apps.
Dumarami ang bilang ng mga wais na Pinoy na gumagamit ng mga ligtas na pautang para umasenso sa buhay. Hindi lamang pambayad sa biglaang gastusin at iba pang bayarin ang microloans, kundi ginagamit din ito bilang pandagdag-kapital ng mga maliliit na negosyo at para magkaroon ng financial independence, base sa survey na ginawa ng global fintech company na Tala.
Para matustusan ang mga karaniwang pangangailangan, kumakapit ang ilan sa mga naglipanang predatory lenders o yung mga nagpapautang na hindi sumusunod sa mga patakaran ng gobyerno.
Kilala ang mga iligal na lenders sa abusadong paraan ng paniningil. Notoryus ang mga ito sa pagkakaroon ng malabong terms at conditions sa mga gustong mangutang at sa pagpapatong ng mga hidden fees sa inutang na pera. Naalerto rin ang mga ilang mga mambabatas gaya nila Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senator Raffy Tulfo dahil sa sunud-sunod na pambibiktima ng mga hindi authorized na lending companies.
“Microloans ang isa sa mga paraan ng mga Pilipino para mapaunlad ang kanilang buhay, pantustos man ito sa mga bayarin o pampalago ng negosyo. Kaya hangad ng Tala na maging mabuti at ligtas ang online lending experience ng aming mga customers,” pahayag ni Tala Senior Director and Global Customer Experience Operations Iona Iñigo-Mayo.
Mahigit tatlo sa apat na humihiram ng pera sa Tala ang umunlad ang buhay matapos makakuha ng loan. Kabilang ang microloans sa mga nagbibigay ng buhay sa mga micro, small at medium enterprise – na bumubuo ng 99.58% na mga negosyo sa bansa. “Malaki ang naitutulong sa amin ng Tala dahil kumukuha ako sa kanila para pandagdag sa puhunan,” base sa kwento ng isang Tala customer.
“Mas nagagamit ko nang matagal at lalong napapakinabangan ang aming niloan dahil sa 61 araw na palugit na ibinibigay ng Tala para bayaran ang aking loan.” Sinabi rin nito na nakakatulong ang flexible repayment option ng Tala para makabawi sa kanyang negosyo. Pwedeng magbayad ang Tala customer sa pagitan ng isa hanggang 61 araw depende sa kanilang pangangailangan.
Nawala naman ang pag-aalala ng isang customer dahil ligtas at buo niyang nakuha ang niloan sa Tala. “Nagsimula akong kumuha ng loan sa Tala nung naaksidenteng nahulog yung tatay ko. Noong una, hesitant pa kong gumamit ng mga loan app kasi madami akong nababalitaang kapag hindi agad nakabayad ipapahiya daw sa social media but I trusted Tala.” Nilinaw din ng Tala sa kanilang App Privacy Policy na hindi nito ipagbibili ang mga sensitive at personal information ng mga borrower.
Bilang trusted financial partner ng higit pitong milyong Pilipino, patuloy ang dedikasyon ng Tala sa pagbibigay ng affordable at reliable access sa credit at ang paghahatid ng trusted financial services.
651