UNIFIED #FIGHTFRAUDTOGETHER CAMPAIGN INILUNSAD NG BMAP

INILUNSAD ng Bank Marketing Association of the Philippines (BMAP) ang #FightFraudTogether information campaign para madagdagan ang kaalaman ng mga konsyumer at maging maingat sila laban sa mga cybercrime at panloloko.

Ayon sa BMAP, ang malawakang pandemya ay nagpasigla sa paggamit at pagbabayad online, at ito rin ay nagbunsod ng mga kaso ng cybercrime at panloloko sa pamamagitan ng iba’t ibang mga paraan ng scamming, kagaya ng phishing, smishing, SMS scam, ransomware at iba pa, habang lumilipat ang mga konsyumer sa digital transactions.

“Nagbago na ang mga paraan ng mga cyber criminals at nag-iba na rin ang mga panloloko nila sa online shopping, payments at transactions. Ang mga modus operandi nila ay naging mas malawak at mahirap makita. Nanganganib ang bansa sa mga cyber-attacks at fraud incidents dahil sa isang social-savvy population,” giit nito.

Tinatawagan ng pansin ng BMAP ang publiko na maging mapagbantay, sikapin at huwag pakampante pagdating sa cybersecurity. Ang pagsugpo sa mga panloloko ay tungkulin ng mga financial institutions, customers, regulators at industry associations.

“Lalong magbibigay-paalala ang mga bangko upang ang mga kliyente at publiko ay balaan at iwasan ang mga manlolokong ito. Sa ating pagkakaisa, inihahayag natin ang mensahe na malaking usapin ang cybercrime at fraud,” ayon kay BMAP President Mike Villa-Real.

Tiniyak ng BMAP sa publiko na ang kaligtasan at seguridad ng konsyumer ang pinakamahalagang prayoridad ng mga miyembro nitong bangko.

151

Related posts

Leave a Comment