UTAK LOCKDOWN: IATF BUWAGIN NA

GALIT na galit na ang marami nating mga kababayan. Talung-talo na daw kasi ang mga Filipino sa pandemya ng COVID-19 na ito. Sa totoo lang, ang dami na ang mga pinahirapan at walang sinoman ang hindi dumadaing sa masaklap na sitwasyong nararanasan. Katunayan, hindi pa rin makabangon ang marami hanggang sa kasalukuyan.

Pagkatapos ay heto na naman ang sandamakmak na mga kapalpakan. Urong-sulong at tila walang pinakikinggan ang ating pamahalaan.

Kung tutuusin, sa ganitong sitwasyon ay gobyerno ang dapat sana ay ating sasandalan pero mukhang sila man ay tuliro at hindi alam kung ano ang mga gagawing hakbang.

Kumusta ba ang performance ng mga taga gobyerno sa pag-handle sa COVID-19? Ang sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque Jr ay ekselente. Pero isang ­linggo lang ang lumipas matapos siyang magmalaki ay parang kinain niya ang salitang kaniyang sinabi. Ito ay matapos na sumirit ang kaso ng COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa mahigit walong libo kada araw.

Excellent nga ba o poor performance ang pag-handle nila sa COVID-19? Parang walang magsasabi na totoo ngang excellent maliban sa mga kabilang sa IATF lalo na kung ang tatanungin ay si Roque o kaya ay si Health Secretary Francisco Duque III.

Kaya sabi ni Senador Imee Marcos, buwagin na lang siguro ang IATF dahil sa halip na makatulong ito ay ­nililito pa nito ang taumbayan sa kung ano ang dapat na pagtugon lalo na ngayong malala ang kaso ng ­COVID-19 sa bansa.

Dapat daw ay bigyan na nang tsansa na isang ‘true science based approach’ ang gawin upang maging scientific din ang pagtugon at hindi umaasa sa kung anu-ano lang na gimik gaya ng ibat-ibang mga katawagan sa quarantine measures.

Totoo na tayo na ang may pinakamahabang lockdown sa buong mundo at sa halip na magpatupad ng one time bigtime na quarantine para sa mga filipino ay kung anu-ano pang katawagan ang naiisip ng mga nasa gobyerno.

Meron Metro Manila Bubble, Metro Manila Plus, may hard GCQ at soft MECQ at kung ano-ano pa. Pagkatapos ay hindi alam ng mga tao kung sino ang pakikinggan dahil ang daming nagsasalita at nagbibibay ng ­impormasyon patungkol sa sitwasyon.

Hanggang kailan at hanggang saan kaya tayo tatagal sa labang ito sa COVID-19. Tama ang sabi ni Senador Panfilo Lacson, kailangan ng mga taong ‘competent’ sa gobyerno para mapabuti ang ating sitwasyon.

317

Related posts

Leave a Comment