VACATION LEAVE NG SEAMAN NAUUBOS LANG SA F2F REFRESHER COURSES – SEN. ERWIN TULFO

SA halip makasama ang pamilya, nauubos lang sa mga face-to-face schooling o refresher courses training ang bakasyon ng mga seaman sa bansa tulad ng marine engineers at deck officers ng barko.

Ito ang hinaing ng ilang mga nagbabakasyong Maritime Officers kay Senator Erwin Tulfo na kaagad naman niyang itinimbre kay Senator Raffy Tulfo, ang chairman ng mga Komite ng Public Services at Migrant Workers sa Senado.

Nangako si Erwin Tulfo na agad tatawagan ng pansin sina Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Sonia B. Malaluan at Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac para gawin na lang online ang mga refresher course o schooling na ito.

Ayon kay Sen. Erwin, “hiling ng mga seaman na ito baka pwedeng gawin na lang daw online ang mga refresher courses na ito sa halip na pumunta pa sila sa school araw-araw”.

“Bukod daw sa gastos sa pamasahe o gasolina at pangkain araw-araw, nababawasan pa ang panahon na makasama ang kanilang pamilya,” ani tulfo.

Napag-alaman na tumatagal ang mga refresher course na ito dahil bukod sa oras ng training, kumakain din ng oras ang biyahe at paghahanda.

“Ang tanong kasi riyan, bakit kailangan pa nilang magtungo physically sa school kung pwede naman na online na lang dahil mga refresher or management courses na lamang naman yan?” dagdag pa ng neophyte senator.

Sang-ayon naman si Senador Raffy Tulfo sa reklamo ng grupo ng seafarers na ito. Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, “imbes makasama nila ang mahal sa buhay sa kanilang bakasyon, naroon sila sa eskwelahan… kawawa naman.

“Dati naman pwedeng online lang ang mga kursong ito. E, bakit naman kasi nabago?” dagdag pa ng mambabatas.

37

Related posts

Leave a Comment