VALIDITY NG DRIVER’S LICENSE, EXTENDED

PINALAWIG hanggang Dec. 31, 2020 ang validity ng driver’s license, conductor’s license at student permit ng mga edad 17 hanggang 21 at 60 hanggang 65 taong gulang na nag-expired sa mga panahong hindi sila pinapayagang lumabas ng bahay dahil sa restriksyon.

“Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga aplikante, ang validity ng student permit, driver’s license at conductor’s license na nag-expire noong panahon na mayroong restriction ay na-extend po hanggang December 31, 2020,” ang nakasaad sa Facebook post ni Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi pa ni Sec. Roque na walang multa na ipapataw sa mga late renewal ng driver’s license at conductor’s license na nabibilang sa nasabing age group.

Samantala, ang pagpaparehistro ng motor vehicles na may plate numbers na nagtatapos sa 6, 7 at 8 ay extended ng hanggang Oct. 31 para pa rin sa kaparehong age group.

Para naman sa mga may sasakyan na ang plate numbers ay nagtatapos sa 9 at 0, mayroon silang hanggang Dec. 31 para i- renew ang kanilang registration.

“Ang mga rules na ito ay para lamang sa mga edad 17 hanggang 21 at mga 60 hanggang 65 na nag-expire ang kanilang mga lisensiya noong panahon na sila ay dapat na nasa bahay lamang. #DOTrPH,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Kamakailan, pinayagan na ng pamahalaan ang mga edad 15 hanggang 20 at 61 hanggang 65 na makalabas ng kanilang bahay.

“Local government units may impose a higher age limit for minors, depending on the COVID-19 situation in their respective jurisdictions,” ang pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

361

Related posts

Leave a Comment