ISINAILALIM ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa yellow alert ang Visayas Grid mula alas-3:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi nitong Miyerkoles.
Ayon sa NGCP advisory, umabot sa 20 power plants ang bumagsak habang 14 pang planta ang may kulang sa kapasidad, dahilan para mawala ang kabuuang 898.6 megawatts sa grid.
Sa kabila nito, nananatiling normal ang kondisyon ng Luzon at Mindanao grids.
Ipinaliwanag ng NGCP na tinaas ang yellow alert dahil kulang ang operating margin ng grid para matugunan ang contingency requirements sakaling magkaroon ng biglaang aberya o dagdag na demand sa kuryente.
Patuloy na mino-monitor ng NGCP ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa power producers upang maiwasan ang posibleng rotational brownout sa rehiyon.
(CHAI JULIAN)
70
