VP SARA WALANG GRAFT CASE SA OMBUDSMAN

WALANG kasong naisampa sa Office of the Ombudsman laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng kontrobersyal na confidential funds sa Department of Education at Office of the Vice President.

Paglilinaw ng House of Representatives, hindi ito nagsampa ng pormal na reklamo laban kay VP Sara sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ito ni House Spokesperson Atty. Princess Abante sa gitna ng mga balita na inutusan ng Ombudsman si Duterte at ilan pang opisyal na sagutin ang alegasyon mula sa isinagawang imbestigasyon ng House committee on good government and public accountability.

Ang hakbang ng Ombudsman ay matapos tanggapin ang findings at rekomendasyon ng committee on good government and public accountability kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at DepEd noong panahon ni Duterte bilang kalihim.

Ipinaliwanag pa ni Atty. Abante na may kapangyarihan ang Ombudsman na magkaroon ng inisyatiba sa pagsasampa ng reklamo.

(JULIET PACOT)

7

Related posts

Leave a Comment