WEEKEND MAGIGING MAULAN

INAASAHANG magiging maulan ang weekend sa Metro Manila at sa malaking bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.

Ang mga pag-ulan ay dulot dahil na rin sa southwest monsoon o habagat na siyang magbabagsak ng ulan sa Metro Manila at sa Luzon mula ngayong Biyernes.

Inaasahan ang mga pag-ulan sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at sa Bicol Region.

Dagdag ni PAGASA weather forecaster Raymond Ordinario, ang northern Samar ay maapektuhan din ng habagat.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas naman ng maaliwalas na papawirin na kung minsan ay may manaka-nakang pag-ulan o thunderstorms.

Samantala, isang sama ng panahon ang namataan ng PAGASA 905 kilometers east ng Basco, Batanes.

Posibleng maging bagyo ito ayon kay Ordinario. (CATHERINE CUETO)

132

Related posts

Leave a Comment