WORK FROM HOME, POSIBLENG MANATILI KAHIT MATAPOS ANG COVID-19

NANINIWALA si Senador Francis Tolentino na kahit matapos na ang COVID-19 pandemic ay magpapatuloy ang work from home status ng ibang empleyado kaya’t asahan na anya ang pagtaas pa ng bayarin sa kuryente ng mga ito.

Sa kabilang dako, bababa naman ang gastusin ng mga kumpanya dahil mababawasan ang paggamit ng elektrisidad sa kanilang mga tanggapan.

Bunsod nito, naniniwala si Tolentino na may kakayahan ang mga kumpanya na magbigay ng kuryente allowance sa mga empleyadong work from home.

Sinabi ni Tolentino na ihahain niya ang panukala upang maisabatas ang pagkakaloob ng kuryente allowance o kaya ay maibawas sa dapat bayarang buwis ng mga empleyado ang dagdag na gastos nila sa electric bill dahil sa pagiging work from home.

Pinag-aralan naman ni Tolentino kung mas nararapat na amyendahan ang National Internal Revenue Code o baguhin ang Telecommuting Act upang maisulong ang kanyang panukala. (DANG SAMSON-GARCIA)

166

Related posts

Leave a Comment