‘YAN ANG PRESIDENTIABLE!!!

NAKATATAAS talaga ng respeto kung ang isang katulad ni dating Senator Ferdinand (Bongbong) R. Marcos Jr. (BBM) ang iyong kakapanayamin at tatanungin kaugnay ng sitwasyon ng kasalukuyang pamahalaan na mayroon ang bansa.

Kasi sa sagot ni BBM nang interbyuhin siya ni Anthony Taberna ng “DOS POR DOS” na naka-live sa Facebook at YouTube, sinabi niyang bagama’t mayroon siyang napapansin na may pagkukulang ang kasalukuyang ­administrasyon ay naroroon pa rin ang pagrespeto o paggalang niya sa mga namumuno.

Naroon din ang pag-unawa niya sa mga taga oposisyon, kung bakit puro batikos na lamang ang mga ito at wala na silang nakikitang magandang nagawa sa kasalukuyang pamahalaan.

Paliwanag ni BBM, ang kasalukuyang administrasyon ay ginawa naman aniya ang lahat ng mga kailangan upang maging maganda at maisaayos ang pagpapatakbo ng ating bansa.

Dangan nga lamang at dumating sa atin ang pandemya kaya mayroong mga bagay na medyo kinulang sa panahon ang ­administrasyon upang mai­sa­ayos ang mga ito.

Isa sa mga napansin ni BBM na medyo naging mabagal sa pagtugon ang administrasyon, ay sa pagbili o pagkuha ng mga bakuna laban sa COVID-19, ito’y sa unang sigwada ng pandemya sa bansa. Subalit binigyan niya ito ng pag-unawa dahil na rin sa wala naman talaga tayong mabibilhan o makukuhanan ng bakuna ng mga panahon na ‘yun, dahil inuuna ng mga gumawa ng bakuna laban sa COVID-19, ay ang mga mayayamang bansa.

Sa naturang panayam ay inamin din ni BBM, tiyak aniya na kakandidato siya sa darating na halalan o 2022 national and local elections, subalit hindi pa lamang niya sinabi kung sa anong posisyon siya tatakbo o kakandidato.

Marami ang naniniwala na si BBM ay siya sana nating naging ikalawang Pangulo ng bansa, sa ilalim ng Duterte administration, subalit dahil sa kagagawan ng magic ng mga makina sa halalan at gayundin ng mga kaalyado ng Aquino administration kaya hindi ito nangyari na nakakapanghinayang. ‘Di ba?

Dahil sa angking talino ni BBM, at kung hindi siya na “hukos-pokus” at siya ang naupo bilang bise ­presidente ng ­kasalukuyang administration, ay malaki sana ang nai-ambag nito sa pamamalakad ng ­gobyerno.

Si BBM din pala ay lahi rin ng mga tigasin, (tiga-luto, tiga-laba, tiga-plantsa at iba pa). Nabisto ito ni Ka Tunying sa panayam sa kanya, isa palang magaling na kusinero itong si BBM at masarap daw magluto.

Lilinawin ko po na ang isang tigasin ay hindi nangangahulugan na siya ay under ni misis, kundi ito’y isang HUWARANG AMA ng tahanan, dahil tinu­tulungan niya lamang ang kanyang misis sa mga gawaing bahay. ‘Di ba???

90

Related posts

Leave a Comment