ISANG sorpresang activation ang sumalubong sa mga commuter sa One Ayala Terminal nang ilunsad ng Jollibee ang na-upgrade nitong Yumburger sa Makati City noong Pebrero 19, 2026.
Kabuuang 2,000 libreng Yumburger at 4,000 voucher ang ipinamahagi sa sabay-sabay na kaganapan sa iba’t ibang pangunahing lungsod.
Ang pinahusay na Yumburger ay may mas malaking beef patty at mas maraming dressing habang nananatili ang presyong P45.
Agad itong tinangkilik ng mga empleyado, estudyante at pasahero sa abalang transport hub.
Nakiisa rin ang Yum mascot na nagbigay-aliw at nakipag-selfie sa mga commuter sa buong hapon.
(Danny Bacolod)
1
