ENRIQUE MAMAMANHIKAN NA BA SA PAMILYA NI LIZA?

enrique gil-liza soberano
0

(By LOURDES C. FABIAN)

TRENDING topic sa social media ang “immersion” na ginawa ni Liza Soberano sa UP Diliman recently.

Paghahanda ito sa romantic mature movie na gagawin nila ni Enrique Gil na ididirek ng hugot director na si Antoinette Jadaone.

Kinailangang mag-disguise si Liza habang nasa UP, pero eventually ay pinagkaguluhan din nang may makakilala sa kanya.

Isang art student ang gagampanang role ni Liza sa movie, samantalang si Enrique ay sa ibang school pumapasok.

Ang upcoming LizQuen movie ay produced ng Black Sheep,  isang subsidiary ng ABS-CBN Films.

Si Enrique naman, aminadong nagkaroon ng konting takot, subalit masaya ang naging experience niya sa isang public hospital nang mag-immersion siya.

May nadinig kaming chika na hindi raw pinayagan si Enrique na sa UP mag-immerse dahil sa look nitong richy-richy at sosyal na aura.

Parang hindi raw convincing na matawag na UP student ang guwapong aktor. Kaya, sa ibang university siya nag-immerse.

Balita ko, pang-Valentine 2019 film offering na ito ng Star Cinema.

Pagkatapos nito, magkasamang magbabakasyon ang dalawa sa U.S. ngayong darating na kapaskuhan.

Ito ang dahilan, kaya may mga nang-iintrigang baka mamamanhikan na si Enrique sa pamilya ni Liza since kasama rin nila ang mommy niya.

Sa side ng family ni Liza pupunta ang dalawa.

Ngunit, kaagad namang itinanggi ni Enrique ang ganitong haka-haka dahil ang totoong tason ay mamamasyal  lang daw sila ni Liza.

Pupunta sila sa L.A., Tahoe at Reno, Nevada. Kasama rin sa papasyalan nila ang Hawaii.

Read More

ZSA ZSA TULUYAN NANG IIWAN ANG ASAP

ZSA ZSA PADILLA
0

(By LOURDES C. FABIAN)

HANGGANG ngayon ay malaki pa ring palaisipan sa diehard fans ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang tunay niyang status sa nireformat na ASAP na tatawagin nang ASAP Natin ‘To.

Para maging malinaw sa lahat, ang mga host na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Billy Crawford, Luis Manzano, Sarah Geronimo, Darren Espanto, TNT Boys at Piolo Pascual ang mga regular na lang sa show.

Maging ang divas na sina Yeng Constantino, KZ Tandingan,  Angeline Quinto at Kyla ay hindi na rin weekly mapapanood sa ASAP NATIN ‘TO.

But, what is good with these divas ay nananatiling tikom ang kanilang mga bibig.

Hindi naglalabas ng sentimyento sa nangyari sa kanila, although sabi nga ay na-sad sila dahil hindi na sila weekly mapapanood ng kanilang supporters dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Isa si Zsa Zsa sa pinaka-matagal sa programa (23 years na), kaya naman marami ang naghahanap sa kanya dahil nawala siya nang mag-reformat ang ASAP.

Tapos, mas lalong pinag-usapan at naging isyu pa ang ipinost niyang statement sa kanyang IG account na: “I acted like it wasn’t a big deal, when really it was breaking my heart.”

Balita namin, hindi naman tsinugi si Zsa Zsa sa ASAP Natin ‘To. Siya mismo ang hindi sumipot sa launching.

Kasi, semi-regular pala ang totoong istatus niya kahit sa dating ASAP.

May sariling dahilan si Zsa Zsa na tanging siya lamang ang nakakaalam kung bakit pinili niyang ganyan ang kanyang katayuan sa ASAP.

Pero, hindi kami kumbinsidong na-insecure siya sa pagpasok ni Regine Velasquez sa show, taliwas sa mga kumalat na tsimis.

At mas lalo namang mahirap paniwalaang magri-resign na siya sa ASAP.

Mahal niya ang programa at hindi niya magagawang tuluyang iwanan ito.

Sa latest interbyu kay Zsa Zsa, nabanggit niyang magpapatayo sila ng resort na papangalanang Casa Esperanza, na tunay niyang pangalan.

Marahil gusto muna niyang tutukan ang ipapagawang resort.

Mukha namang happy siya ngayon lalo na kung ang latest post niya sa IG ang pagbabasehan wherein ang sabi niya ay ganito: “Hi, friends. I am spending the weekend at our happy place with Conrad.”

Read More

MAYOR GOMA DOBLE SIPAG NGAYON

0

Ang sipag ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa pagpo-promote ng pelikula nila ni Sharon Cuneta na RK VILLACORTAThree Words to Forever na palabas na ngayon.

Sa kabila ng pagiging abala ni Mayor Goma sa kanyang pinaglilingkuran na Lungsod ng Ormoc ay naga-gawa pa rin niya ang mag-promote ng naturang pelikula.

Last weekend, super sipag sa promotion si Mayor Goma sa mall shows ng pelikula na dinirek ni Cathy Garcia Molina.

Pansin ko lang na tila absent si Sharon sa mall shows nila. Sina Kathryn Bernardo, Tommy Esguerra at Joross Gamboa ang kasama ni Mayor Goma na nakikita sa social media postings ng Star Cinema sa da-lawang malls yesterday na dinalaw ng cast (minus the Megastar nga) to promote the film.

At the media conference last week (Thursday, November 22), kuwento ni Mayor Goma sa amin na katatapos lang ng shooting nila.

“Mabuti at pinayagan ng Star Cinema na doon (sa Ormoc) kami mag-shooting. If not, on weekends lang ako pwede mag-shoot. Pag gan’un ang nangyari, hindi namin maihahabol sa eksantong playdate ang movie,” sabi niya sa amin personally.

One reason kung bakit sa Ormoc ginawa ang shooting (isa ito sa mga requirements ni Mayor Goma sa Star Cinema bago niya tinangap ang project) ay dahil ayaw niyang mapabayaan ang kanyang responsi-ibidad sa mga taga-Ormoc.

Pagtapos ng trabaho niya sa city hall on weekdays ay lumalagare naman siya tuwing weekends sa pro-motion ng pelikula na nagsimula nang ipalabas sa mga sinehan.

Read More

SANYA SA INTIMATE SCENES KAY DENNIS: HINDI MAGSESELOS SI JENNYLYN

0

(By ROMMEL GONZALES)

Sigurado si Sanya Lopez na hindi siya pagseselosan ni Jennylyn Mercado kahit na may intimate scenes sila ni Dennis Trillo sa Cain At Abel.

“Actually… ako po ha, personally, hindi naman po ako natatakot dahil I know na hindi naman ako pagseselosan ni Ate Jen, kasi alam ko po na malawak ‘yung pang-unawa ni Ate… ni Ms. Jennylyn Mer-cado, para pagselosan ako.

“So naniniwala ako na hindi darating na magseselos talaga si Ate Jen sa akin,” says Sanya.

Kahit raw mapanood ni Jen ang kissing scene nila ni Dennis ay wala raw dahilan para magkaroon ng selosan.

“Siguro po maiintindihan naman niya lahat ng nangyayari, kasi I know Ate Jennlyn is a…well, best ac-tress po siya for me, at isa siya sa mga hinahangaan ko. So I think maiintindihan niya ‘yung sitwasyon po talaga namin.”

Masuwerte raw siya na siya ang leading lady ni Dennis ngayon.

“Grabe! Sobrang… until now ‘yun nga po, na-a-amaze pa din ako, na — totoo ba ‘yung nangyayari sa akin ngayon?”

Bago ang Cain At Abel ay sa Haplos napanood si Sanya kasama si Rocco Nacino.

Magkaibigan pa rin daw sila ni Rocco at happy naman raw siya na may lovelife si Rocco ngayon.

“Well, I know na po na meron siyang love life before pa.”

Walang karelasyon si Sanya, pero may mga nanliligaw ba sa kanya?

“Ngayon kasi hanggang kai-kaibigan lang muna, kung manligaw sila, manligaw sila, okay lang, pero hindi ko pa po iniisip na… tingnan natin kung sino ‘yung magtatagal at kayang mag-sacrifice for you, ‘di ba?  Kung sino ‘yung magiging patient.”

Umiwas naman si Sanya na i-reveal kung artista ang nanliligaw sa kanya ngayon.

Masaya naman ang nakatatandang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto sa relasyon nito kay Barbie Forteza.

“Happy po ako sa kanya. At ang nakakatuwa kasi sa kanilang dalawa, very barkada lang silang dalawa e. So hindi ka ma-o-OP [out-of-place] pag dumating ‘yung… kahit lagi akong third wheel,” at tumawa si Sanya.

Paano kung biglang magsabi ang dalawa na magpapakasal na ang mga ito?

“E di go! Kung kaya ninyo na, kung kaya ninyo ng mabuhay dalawa, e di go!

“Pero kung hindi pa naman, enjoy-in ninyo muna, huwag muna kayong magmadali. Ibang klase na pag kinasal na kayo, ibang buhay na ‘yun,” payo ni Sanya.

Read More

MULTI-AWARDED ACTRESS ON BEING AN MTRCB BOARD MEMBER:  “WE JUST RATE; WE DON’T CUT” – GLORIA SEVILLA

0

(By ROMMEL GONZALES)

Dalawang karangalan ang magkasunod na tinanggap ng aktres na si Gloria Sevilla ngayong taong ito.

Una ay nitong May sa Amerika bilang Best Supporting Actress sa 2018 Philadelphia Independent Film Awards para sa Ang Maestra.

Sinundan ito ng pagwawagi niya bilang Best Supporting Actress din sa 2018 Urduja Film Festival kung saan ka-tie niya sina Odette Khan (Bar Boys) at Yayo Aguila (Kiko Boksingero).

Ginanap ang ang awards ceremonies last October sa Sison Auditorium, Lingayen Pangasinan.

Kapag patuloy raw na napapansin ang acting niya, nasasabi raw ni Ms. Gloria na kumpleto na talaga ang buhay niya.

Bukod sa pagiging aktres ay nanunungkulan si Ms. Gloria sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board)  bilang Board Member.

Kumusta si Chairwoman Rachel Arenas bilang pinuno ng naturang ahensiya?

“Rachel? Oh my… she’s one of the best chairpersons na nagkaroon ang MTRCB. Isa rin dun, ‘yan si Ar-mida [Siguion-Reyna]. I was under Armida also. Joe Sison, I was under Joe Sison. Pero itong si Rachel — magaling siya, magaling, magaling.

“Mahusay siyang magpatakbo sa MTRCB.”

Noong bago pa lamang nakaupo si Chairwoman Arenas ay may mga nang-iintriga na masyado daw itong bata para sa posisyon pero pinatunayan naman nitong kaya nya ang responsibilidad.

“Hindi dahil bata ka, you’re not capable. No, hindi! Give chance to the young people.

“Di ba naging congresswoman siya? Mahusay makisama sa mga tao, mahusay siyang makisama.”

Bilang parte ng MTRCB, nagbigay si Ms. Gloria ng pagpapaliwanag tungkol sa trabaho nila.

“Yun na nga ang ano namin dito, na iba na kasi ang panahon ngayon eh. Kagaya ng sabi ko, dati ‘yung pagpapakita [ng mga private body parts] dati pinuputol naming ito. Mga love scenes na sobrang-sobra na, sasabihin namin kung puwedeng bawasan, hindi ma-arouse ang audience ba! Maraming rape, maraming patayan, lalo na sa TV.

“We’re very careful dahil ang television it’s a free-willing instrument — na ang bata anytime napa-panood. Kagaya ng G, okay ang mga bata puwede. Pag PG, Parental Guidance, kailangan samahan ng isang adult, isang lola, isang mama, isang ate, isang kuya — to explain to the children na — ‘yan hindi puwedeng ganyan, o ganito. Ang SPG as much as possible huwag sanang panoorin ng mga bata, kasi sana turuan ang mga bata na manood ng CD kapag Saturday at Sunday na katabi ang mga magulang, lalo na pag SPG.”

Kumbaga they rate, they don’t dictate?

“No, no, we don’t.

“We rate, we classify. We rate, we do not cut, we just rate.”

Matapos ma-rate, nasa producers na raw kung ano ang nais nitong putulin sa kanilang pelikula para mabago ang rating ng kanilang pelikula.

Read More

KUNG TOTOO ANG INTRIGA SA ‘YO HUWAG KA NANG MAG-DENY – ZOREN

0

(By ROMMEL GONZALES)

Dahil mga artista na (under the Kapuso Network) ang mga anak niyang sina Mavy at Cassy Legaspi,

tinanong namin si Zoren kung may advice ba siya sa twins on how to handle intrigues.

“Well, kasi ngayon ang intriga… sabi ko nga, mas malala ‘yung intriga namin dati eh. Mas malala, kasi ngayon pag may intriga kaya mo kaagad i–correct eh. Kasi meron kang Twitter, may Instagram ka, may Facebook.”

“Puwede mong sabihing hindi totoo ‘yung sinabi ni ganito, ni ganyan. Dati talagang hindi, magpapa-presscon ka,” at tumawa si Zoren.

Ano ang in-advice niya sa mga anak niya?

“Sabi ko laging ano, ang artista talaga hindi mawawala ang intriga, especially pag nagkaroon ka na ng competition sa kapwa artista.

“Kasi siyempre may fans siya, may fans ka. Minsan ‘di ba, ‘yung isang fan ipagmamalaki ka, tapos medyo hindi maganda masasabi sa isang artista, siyempre magre-react ‘yung fans naman nung kabilang artista.

“So, ganun ‘yung nangyayari. But ang sabi ko sa kanila, ako kasi fair ako eh, pag ang intriga totoo — wala kang magagawa.

“Totoo ‘yan e, ginawa mo ‘yan eh! But kung hindi totoo, then you have all the right to… bahala ka kung ano gusto mong sabihin, pero ‘pag ang isang intriga ay totoo, wala kang magagawa.”

Walang magagawa kundi umamin…

“Oo, wala kang magagawa.”

Or huwag na lang magsalita.

“’Wag ka na lang magsalita, ‘wag ka nang mag-deny, ‘yan.”

Co-managed ng mag-asawang Zoren at Carmina Villaroel ang GMAAC sa pagha-handle sa showbiz career ng twins.

Nasa GMA rin si Carmina.

This early ay social media sensations na ang kambal; pinag-uusapan at nagte-trending na. Si Mavy ay crush na ng mga girls; si Cassy ay crush na ng mga boys.

“Yeah…regarding that? Minsan nagugulat ako na may magsasabi sa akin na nag-trending sila, nag-trending ‘yung family, ganyan, hindi ko nga alam kung bakit nagte-trend ang isang bagay.

“Ang maganda lang kasi sa twins very approachable kasi sila, at saka ano…mapagkumbaba naman ‘yung dalawa, hindi mahirap i-please. Makikita ninyo naman sa personality nila eh.

“Pero iba kasi pag nag-artista ka na, kesa dun sa mga commercials na ginagawa mo. Pag nag-artista ka na, medyo ma-e-expose ka na talaga ng hundred percent — the way you talk, the way you present yourself, ayan, ma-e-expose ka na talaga,” wika pa ni Zoren.

Napapanood sina Carmina at ang twins sa Sarap, Di Ba?

Read More

KAILAN BA MAGPAPAKASAL SINA CARLA AT TOM?

0

(By ROMMEL GONZALES)

In our recent interview with Carla Abellana ay tinanong namin siya kung kailan sila magpapakasal ni Tom Rodriguez.

“Hindi pa po alam eh. Sabi ko nga lagi, only God knows.

Hindi pa nagpo-propose sa kanya si Tom?

“Wala pa po, wala pa pong proposal.”

Kung biglain siyang alukin ng kasal ng kanyang kasintahan?

“Ay, eh di better! Para at least, unexpected! Ganun naman po dapat, ‘di ba? Ideally na talagang ano, unexpected.  Surprised ka. Hindi ‘yung planado siya talaga na kung kailan ‘yung proposal.”

Apat na taon na ang kanilang relasyon.

“Tagal na din po, so only God knows kung kailan.”

Biro namin kay Carla, buntis na uli si Marian Rivera, pero siya, hindi pa rin nagpapakasal.

“Oo nga,” ang tumatawang pagsang-ayon ng Kapuso actress.

Aminado si Carla na may pressure ito.

“Meron naman siyempre, kasi like ultimo sa barkada ko po, ako na lang ‘yung single.”

Ang ama nga niyang si Rey “PJ” Abellana, in an interview ay sinabing handa na ito na mag-asawa si Carla.

“Si Papa… although may mga apo na si Papa… kumbaga siyempre, nandiyan po ‘yung pressure. Kasi, ultimo sa barkada or sa mga high school friends or college friends mo, talagang lahat sila nagpapakasal na, nagre-raise na ng family, may mga anak na! So, nandiyan naman po ‘yung pressure. Siyempre, nararamdaman  ko naman po ‘yun.”

Pero sa ngayon, pareho sina Carla at Tom na career at negosyo muna ang focus.

“Siguro kasi po ako, I can only speak for myself, like ako po kasi I just ventured into a new business, so it’s taking up so much of my time. Sabi ko nga blessing in disguise na eleven months po akong nabakante sa showbiz, kasi naka-focus po ako sa business.”

May franchise ng Posh Nails si Carla at napapanood rin ang aktres sa Pamilya Roces sa GMA.

Read More

PH IMBAKAN NG CHINESE NATIONALS SA ONLINE GAMBLING

0

(Nina SAMANTHA MENDOZA AT NELSON S. BADILLA)

Nagmimistulang imbakan ng Chinese Nationals ang Pilipinas para sa online gambling makaraang makakuha na naman ng panibagong ebidensya ang mga awtoridad na magpapatunay sa paniniwalang ito.

Iniharap ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 15 Intsik na nadakip ng Cyber Crime Division (CCD) dahil sa online gambling sa Angeles City at Maynila.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, sina Yu Size, Lin Hai Yang, Li Jun Qing, Yu Wen Quiao, Xiao Wen Lao, Cai Shut Rong, Lin Jingmin, Ju Shi Liu, Quo Zai Web, at Xiao Jian Zero ay naaresto sa bahay ni Li Kun Ling  sa Punta Verde Subdivision sa Pulong Gatulad, Angeles City noong Nobyembre 23.

Sina Pan Jianbei, PanTaiyuan, Jie Ku, Shengbo Zhang, at Jian Lou Zhou ay nadakip naman sa Alpha Grandview Condominium sa Malate, Maynila noong Nobyembre 22.

Nakabatay sa search warrant ang nasabing magkahiwalay na operasyon.

Hindi lang ngayon nakahuli ang mga awtoridad ng mga Intsik na sangkot sa illegal online gambling.

Noong Nobyembre ng nakalipas na taon, 77 Intsik ang nahuli Makati dahil rin sa online gambling.

Noong Abril sa nakalipas ding taon, 55 Intsik naman ang nasakote dahil din sa ille-gal gambling sa Ba-taan.

Ilan lamang ito sa mga kongkretong datos na nagpapatunay na maraming Intsik na nahuhuli sa Pilipinas dahil sa illegal online gambling.

Ayon sa mga ulat na ipinarating sa media, walang kaukulang dokumento ang mga nadakip, dahilan upang pag-isipang mayroong kumikita sa opisyal ng ahensya ng pamahalaan na nakatoka sa pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Ngunit, kapansin-pansin na wala pang nakukuhang “opisyal na ulat” ang media na mayroon nang nahuli at naparusahang opisyal ng pamahalaan sa katiwaliang ito.

Sa 15 Chinese na nahuli ng operatiba ng NBI, desk top computers, 25 cellphones, at iba pa ang mga ebidensyang iniharap ng NBI sa piskalya sa pagsampa ng kauku-lang kaso laban sa labinglima.

Partikular na nilabag ng mga suspek ang Presidential Decree 1602 na may kaugnayan sa Republic Act 10175 at Republic Act 8484 na may kaugnayan din sa Republic Act 10175.

Read More

BAWAS PRESYO SA LPG NGAYONG DISYEMBRE

0

Magandang balita para sa bawat pamilyang Filipino ang inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na mababawasan ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Disyembre.

Ang tanya ay nasa P5 kada kilo ng LPG o P55 ang ibabawas mula sa kasalukuyang presyo.

Sa kasalukuyan, pumapalo sa higit P600 hanggang mahigit P800 ang halaga ng LPG (depende sa tatak nito), ayon sa DOE.

Hindi kalakihan ang P55, ngunit malaking bagay na ito para sa mga ordinaryong tao. Nakatutu-long na ito sa kanila, lalo pa’t ngayong Disyembre ay inaasahan nang walang tigil na tataas ang presyo ng mga bilihin.

Sa inisyal na impormasyon, inaasahang iaanunsiyo ng Eastern Petroleum Corp. ang pagbabawas ng presyo ng kanilang LPG bukas ng 6:00 a.m.

Inaasahan namang susunod ang iba pang kumpanya.

Ang nasabing bawas-presyo ay ikalawa na mula ngayong Nobyembre.

Ayon sa DOE, ang presyo ng LPG sa bansa ay nakatali sa presyong itinakda ng Saudi Aramco.

Ang Saudi Aramco na pag-aari ng pamahalaan ng Saudi Arabia ay siyang nagdidikta ng presyo ng LPG pata sa buong mundo kada buwan.

Ngayong Nobyembre, inanunsiyo ng Saudi Aramco na ang presyo ai $540 bawat metric ton (MT) mula sa $655 kada MT noong Oktubre.

Read More