DISMAYADO KAY CHIZ: VETERANS BLOC BINUO SA SENADO

AMINADO si Senador Juan Miguel Migz Zubiri na hindi siya kuntento sa liderato ngayon sa Senado sa ilalim ni Senate President Chiz Escudero.

Kasabay nito, sinabi ni Zubiri na bumuo rin sila ng veterans bloc sa Senado na kinabibilangan niya kasama sina dating Senate President Tito Sotto at Senators Ping Lacson at Loren Legarda.

Isinusulong anya nila ang kandidatura ni Sotto bilang Senate President dahil nakita nila ang kwalipikasyon at kakayahan nitong mamuno sa Mataas na Kapulungan.

Gayunman, may naririnig na rin anya silang impormasyon na mayroon nang 13 boto si Escudero pero umaasa anya sila na magkakaisa ang mga senador na magkaroon ng Senate Leader na ipaglalaban ang independence ng Senado bilang last bastion of democracy.

Sinabi ni Zubiri na ang lider ng Senado ay dapat alam kung paano protektahan ang kanilang integridad at tradisyon at hindi isang dictatorial type.

Ayaw anya niyang matulad sa ibang kapulungan na ang emperor lamang ang nagdidikta sa kanilang mga miyembro.

(DANG SAMSON-GARCIA)

53

Related posts

Leave a Comment