LABOR DAY GIFT: KATITING NA TAPYAS-PRESYO NG LPG  

LPG12
0

(NI ROSE PULGAR)

MISMONG Araw ng Paggawa o Labor Day magpapatupad ng katiting na bawas presyo sa liquiefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis sa bansa na epektibo hatinggabi ng Mayo 1.

Sa abiso nitong Martes ng Petron Corporation, dakong alas-12:01 ng hatinggabi, P0.20 sa presyo kada kilo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.20 ang bawas presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito.

Bukod sa lpg ,binawasan din ng Petron ng P0.10 kada litro ang ng kanilang  Xtend Auto-LPG na ginagamit sa taxi.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya tulad ng Solane at Total sa kaparehong bawas presyo sa LPG at Auto-LPG dahil hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong roolback ay bunsod ng pagbaba ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Read More

8,000 PULIS IPINAKALAT NGAYONG LABOR DAY

pnp120
0

(NI JG TUMBADO)

AABOT sa 8,400 mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pakikilusin para tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa inaasahang kaliwa’t-kanang kilos protesta ngayong Araw ng Paggawa.

Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, ipupwesto ang nasabing mga pulis sa mga lugar na pagdarausan ng protesta ng mga militanteng grupo.

Bagama’t may mga pagbabantay sa mga rally, tiniyak ni Eleazar na matututukan pa rin ang ibang anti-criminality operations sa Metro Manila.

Sa ngayon ay wala pa umano silang natatanggap na direktang banta sa seguridad ng mga kilos-protesta sa Labor Day.

Nauna nang nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde sa publiko na doblehin ang pag-iingat kung makikilahok sa mga rally ngayong araw.

Posible rin umanong mayroong mga magsasamantala para magkaroon ng tensiyon o gulo.
May pagkakataon din umano na isakripisyo ng ilang grupo ang kanilang mga kasamahan para makapanakit ng mga inosenteng nagpoprotesta.

“Let this be a warning sa ating mga kababayan na nagjo-join ng mga rally. Hindi po lahat ‘yan ay cause-oriented. Meron diyan na grupo na mag-i-instigate ng gulo, I am sure. Meron diyan na armado na nakatago,” ani Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na kapag nagkaroon ng ng gulo, ibubunton ng mga militante sa gobyerno ang sisi.

“Kaya po tayo nagbibigay babala sa publiko, sa mga gusto sumali sa rally na ganyan. It’s because ito ang gusto nila na may masaktan, na hindi sila [pero] may masaktan na iba. And then they will take advantage of that situation,” dagdag ng heneral.

 

Read More

BARON IKAKASAL NA SA REHAB PSYCHOLOGIST!

baron123
0

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

KINUMPIRMA ni Baron Geisler na handa na niyang pakasalan ang kanyang partner of eight months, na isang psychologist na nagngangalang Jamie Marie Evangelista.

Baron and Jamie have been engaged for three months at sa kasalukuyan ay pina-finalize na nila ang kanilang wedding date. They officially became a couple last September 2018.

Proud si Baron na ang kanyang mapapangasawa ay isang psychologist who works in rehabilitation centers at nagtuturo sa kolehiyo.

“Kinukuha siya ng rehab centers para tumulong sa addicts at alcoholics,” kwento ni Baron.

Geisler, 36, has made no secret of his struggle with alcoholism. Alam naman natin na maraming pinagdaanan ang former teen star, na na-involve sa iba’t ibang controversies, kasama na ang alleged sexual harassment, na nagdala sa kanya sa loob ng kulungan more than a few times.

“She’s very patient sa akin,” paglalarawan ni Baron sa mapapangasawa.

“Alam niya kung paano ako timplahin. Super happy ako kasi maalaga siya. When I had nothing, wala pa ‘yung barber shop ko, nu’ng walang-wala ako, she supported me. Kasi ang buong pag-aakala ko, wala na akong babalikan sa showbiz, kaya nagtayo na lang ako ng business,” dagdag ni Baron.

Ang tinutukoy ni Baron ay ang itinayong barber shop na pinangalanan niyang Gents Barber, located sa Cebu kung saan siya ngayon nakatira. Napapanood siya ngayon bilang guest star sa top-rating series na “Ang Probinsyano.”

Curious ang marami sa desisyon niya finally na mag-settle down na.

“Pagod na ako sa laro, sa parties. Gusto ko na ring magkaroon ng sari­ling pamilya,” katwiran ni Baron na tama lang naman dahil nasa edad na siya para bumuo ng isang pamilya at ayusin na ang kanyang buhay.

Read More

MAHABANG ELECTION HOLIDAY POSIBLE

long holiday12
0

(NI BETH JULIAN)

HANDA ang Malacanang na pakinggan ang rekomendasyon ng Department of Energy (DoE) na habaan ang election holiday.

Layon nito na matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa araw ng halalan at maging sa araw ng bilangan ng boto.

Ito, ayon sa DoE, ay posibleng maliban sa May 13 at maaaring gawin na rin na holiday ang May 14 para matiyak na walang magaganap na brownout sa araw ng bilangan ng mga boto.

Sinabi naman ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na bukas ang Palasyo sa anumang ideya na makatitiyak sa katiwa-tiwalang eleksiyon nitong 2019.

Ngunit, sa ngayon, ayon kay Panelo, ay hindi pa nila natatanggap ang anumang pormal na rekomendasyon mula sa DoE.

Sinabi ni Panelo na kapag naisumite na ang rekomendasyon sa Malacanang ay agad nila itong pag-aaralan upang makatugon nang wasto ang Palasyo sa lalong madaling panahon.

Nangangamba ang ilang mambabatas sa posibilidad ng brownout lalo na sa araw ng bilangan ng mga boto dahil maaapektuhan nito ang kredibilidad ng resulta ng halalan.

 

Read More

AYAW SA ENDO PERO.. 660-K ENDO WORKERS NASA GOBYERNO

duterte12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

BAGAMA’T  itinutulak ng gobyerno ang pagre-regular sa mga endo workers sa pribadong sektor, mahigit 660,000 pa rin ang contractual, casual at job order (JO) workers o ang mga tinatawag na endo workers sa gobyerno.

Ito ang napag-alaman kay House deputy  minority leader Harlin Neil Abayon., kung saan pinakamarami sa mga manggagawang ito ay nagtatrabaho sa Local Government Units (LGUs) na umaabot sa 463,551.

Sumunod dito ang National Government Agency (NGA) na mayroong  120,273 contractual at JO workers; 36,249 sa Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs); 31,639 sa State Universities and Colleges (SUC) at 8, 678 sa Local Water District (LWD).

Sinabi ng mambabatas na kailangang bigyan na umano ng pansin ang mga endo workers sa gobyerno upang magkaroon na ng security of tenure ang mga mangagawang ito sa gobyerno.

Nais ng mambabatas na simulan ang pagre-regular ngayong taon (2019)  sa pamamagitan ng 264,000 bakanteng posisyon sa gobyerno na hindi nilalagyan ng mga tao kahit mayroon nang pondo.

“This year, the bulk of the endo personnel should be moved into the 264,000 current vacant positions. That can be 40 percent of the endo problem solved in this year alone,” ani Abayon.

Kabilang sa bakanteng posisyon na ito na hindi nilalagyan ng tao ay ang 120,000 sa teaching and teaching related positions; 90,00 General Service Servants; 34,000 military at uniformed personnel at 14,000 sa medical and allied medical jobs.

Naniniwala ang mambabatas na mareresolba ang endo na ito sa gobyerno kung taun-taon mula sa 2020 hanggang 2024 ay magdaragdag ng 80,000 plantilla sa gobyerno.

Read More

LIBRENG ROUND TRIP TICKET SA APEKTADO NG CEB PAC IBIBIGAY

cebupacific100
0

(NI DAVE MEDINA)

MAGBIBIGAY ang budget carrier Cebu Pacific ng free round trip tickets sa lahat ng pasaherong naabala at maaabala pa ng kanselasyon ng kanilang mga biyahe mula April 28 hanggang May 10, 2019.

Sinabi ni Cebu Pacific spokesperson Charo Logarta Lagamon, ang libreng round trip ticket ay pwedeng gamitin ng mga apektadong pasahero saan man ang kanilang domestic destination.

Sa kalkulasyon ng Cebu Pacific, sa mga kanselasyon ng biyahe na nangyari mula April 28 hanggang April 30 ay nasa 10,000 pasahero na ang naapektuhan.

Inaasahan naman ng Ceb Pac na madaragdagan pa ang nasabing bilang dahil magpapatuloy ang mga kanselasyon hanggang May 10.

Ang naturang libreng round trip ay pwedeng ipa-book sa loob ng anim na buwan at pwedeng i-redeem online.

Humihingi naman ng dispensa at pang-unawa si Lagamon dahi  alam nilang hindi sapat ang paghingi nila ng paumanhin at patuloy na pagpapaliwanag dahil napakarami ng pasaherong naapektuhan ng mga nakanselang paglipad ng mga eroplano.

Ang pagbibigay aniya ng libreng round trip ticket na biyahe ay isang pamamaraan upang ipakita na sinsero ang Cebu Pacific,  at hindi nila layong maabala ang marami.

Read More

BOTANTE PINAALALAHANAN VS VOTE BUYING

vote buy 12
0

(NI HARVEY PEREZ)

HINIMOK ng  Commission on Elections (Comelec) ang mga botante na huwag magbenta ng kanilang boto sa nalalapit na mid-term elections sa Mayo 13.

Ayon kay  Comelec spokesperson James Jimenez dalawang linggo na lamang ang nalalabi bago sumapit ang halalan kaya dapat na gamitin ng mga botante ang kanilang konsensiya sa pagboto.

Pinaalalahanan din ang mga botante na huwag ibenta ang boto at gamitin ang konsensiya sa pagpili ng mga iluluklok na opisyal.

“With respect to everyone giving different advice: DO *NOT* TAKE THE MONEY. IN ALL CASES, VOTE ACCORDING TO YOUR CONSCIENCE. #VoterEd #NLE2019,” ayon sa isang tweet ni Jimenez.

Sinabi ni Jimenez na nakatanggap siya ng mga sumbong na ilang kandidato ang namimili  na umano ng mga  boto.
Kaugnay nito, hinimok din ni Jimenez ang publiko na  agad i-report sa mga local offices ng Comelec sa kanilang lugar para sa kaukulang aksiyon, ang mga kandidatong namimili ng boto.

Read More

MURANG BIGAS BABAHA

bigas12
0

(NI MAC CABREROS)

INAASAHANG bababa ang presyo ng bigas sa merkado sa susunod na mga araw.

Ito, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ay sa sandaling pumasok sa bansa ang imported na bigas alinsunod sa pagpapatupad sa Rice Tariffication Law.

Sa taya ng DTI, aabot lamang sa P32 ang kada kilo ng bigas kapag bumaha sa merkado ang imported rice.

“Tataas ang supply. Ang competition ang siyang magbababa sa presyo,” pahayag Trade Secretary Ramon Lopez.

Sa ngayon, aniya, hindi pa  nararamdaman ng publiko ang ginhawang dulot ng nabanggit na batas.

Napag-alaman na hindi bababa sa P40 kada kilo ang presyo ng bigas sa merkado sa kasalukuyan.

Umalma ang mga magsasaka sa nasabing batas at sinabing pabor ito sa mga negosyante dahil wala nang limitasyon ang aangkating bigas.

Ikinabahala rin ng mga empleyado ng National Food Authority (NFA) ang posibilidad na pagkawala ng kanilang kabuhayan o trabaho dahil sa nabanggit na batas.

Read More

CEB PAC MANANAGOT SA KANSELADONG FLIGHTS

cebpac12
0

(NI MAC CABREROS)

INAASAHANG papatawan ng parusa ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang Cebu Pacific dahil sa pagkansela ng maraming flights na nagsimula noong Linggo (Abril 28).

Ayon Atty. Wyrlou Samodio, iimbestigahan ang bultong kanselasyon ng flights ng Cebu Pacific upang malaman ang totoong ugat ng mga ito.

“If there are violations, definitely they (Cebu Pacific) will be meted out with appropriate penalty,” pahayag Samodio.

Aniya, kanilang hihingan ng paliwanag ang pamunuan ng nasabing airline.

Nabatid na ang pagpapabuti sa kanilang serbisyo ang idinahilan ng airline kaya’t nagkaroon ng kanselasyon.

Sa abiso ng Cebu Pacific, ipinabatid na 58 domestic round trip flights pa ang kanselado hanggang Mayo 10. Nauna nang kinansela ang 44 flights.

Napag-alaman na kabilang sa kanseladong flights ang patungo sa mga lugar na dinarayo ng mga turista gaya ng Boracay, Puerto Princesa, Davao, Dumaguete, Cebu at Cagayan de Oro.

Kasabay nang paghingi ng paumanhin at pag-unawa, pinayuhan ng airline ang mga pasahero na apektado ng kanselasyon na gumawa ng karampatang hakbang gaya ng pag-rebook, mag-refund, humanap ng ibang flights  o ilagay sa Travel Fund ang halaga ng ticket para sa susunod na flights.

 

Read More