NAKUMPISKA SA VOTE BUYING UMABOT NG P12-M

votebuying14

(NI JG TUMBADO) UMABOT sa mahigit P12 milyon halaga na gagamitin sana sa vote buying ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa nitong panahon ng eleksyon. Ito ay batay na rin sa ulat na ipinalabas ng National Election Monitoring Action Center o NEMAC sa kampo Crame. Umabot sa mahigit na 200 ang operasyon kung saan nakadampot sila ng 356 na indibidwal at walong menor de edad. Ang top 5 na mga rehiyon ay ang Region 13 o Caraga kung saan umabot…

Read More

MILITANTE NALAGASAN

militants12

(NI BERNARD TAGUINOD) NALAGASAN ang grupo ng militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos malaglag ang isa nilang grupo sa katatapos na party-list election. Habang isinusulat ang balitang ito ay wala sa top-50 party-list organizations na posibleng magkaroon ng kinatawan sa 18th Congress, ang Anakpawis party-list group. Tanging ang Bayan Muna, ACT Teachers, Kabataan at Gabriela ang inaasahang magkakaroon ng representante sa 18th Congress dahil pumasok ang mga ito sa “winning circle”. Inaasahan din na bababa ang bilang ng mga kakatawan sa Makabayan bloc dahil maliban sa Bayan Muna ay inaasahang…

Read More

KANDIDATO PINAGSUSUMITE NG SOCE SA COMELEC

comelec james12

(NI HARVEY PEREZ) PINAALALAHANAN nitong Miyerkoles ng  Commission on  Elections (Comelec) ang lahat ng kumandidato sa national at local elections, kaugnay sa  pagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE). Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, hindi lamang ang mga nanalo ang dapat magsumite ng SOCE kundi maging ang mga natalong kandidato. Base sa  resolusyon ng Comelec, dapat na maisumite ang SOCE sa kanilang tanggapan hanggang sa Hunyo 12, o 30-araw matapos ang halalan. Sa  SOCE ay dapat na idetalye ng mga kandidato ang tinanggap nilang mga donasyon at…

Read More

‘ALEGASYON NA ‘MASSIVE CHEATING’ ASAHAN SA TALUNAN’

bayan muna12

(NI BETH JULIAN) ASAHAN  na. Ito ang tugon ng Malacanang sa alegasyon nina Bayan Secretary-General Renato Reyes at Neri Colmenares na may nangyaring massive cheating o talamak na dayaan sa katatapos lamang na 2019 national elections. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, pagkatapos ang pagkatalo ng ilang anti-Duterte candidates nitong nagdaang halalan gaya nina Reyes at Colmenares na agad na kinuwestyon ng mga ito ang Duterte magic na nagpabagsak sa maraming left-leaning party-list groups at  kanilang mga kandidato sa pagka-senador. Iginiit ni Panelo na ang pagkatalo ng mga ito ay…

Read More

POWER INTERRUPTION SA BOTOHAN AALAMIN NG DoE

doe

(NI ROSE PULGAR) NATUPAD ng Department of Energy (DoE) ang pangako na walang magaganap na brownout sa araw ng halalan 2019. Sa ginanap na Post Election Assessment ng DOE, sinabi ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella na naging sapat ang suplay ng kuryente noong Lunes (Mayo 13) araw ng botohan. Sinabi ni Fuentebella, nasa normal status noong araw ng eleksyon na ibig sabihin, ang capacity o ang available na megawatts ay sobra-sobra para sa demand o reserve. Aniya, kuntento sila sa performance ng energy family, pero sisiyasatin umano nila ang rason…

Read More

MANUAL AUDIT TATAPUSIN SA LOOB NG 15-ARAW

comelec vote12

(NI HARVEY PEREZ) TATAPUSIN ng 12 hanggang 15 araw ang official na Random Manual Audit (RMA) sa naganap na national and local elections nitong Lunes. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissiomer Luie Guia, ang mga teachers ang mag-audit ng mga ballot boxes sa may 715 polling places sa bansa. Magsisimula ang RMA, alas 8:00 ng umaga at magtatapos alas 8:00 ng gabi at gagawin sa Diamond Hotel sa Maynila. “Ang tinitingnan lang talaga is kung tama yung pagbibilang ng boto nung makina ayan yung first objective ng RMA– para…

Read More

10-K GURO 60-ORAS NANG NAGTATRABAHO SA BOTOHAN 

teachers12

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY ED CASTRO)) OVERTIME na sa kanilang tungkulin bilang Board of Election Inspectors (BEIs) ang may 10,000 public school teachers dahil sa mga technical error at mga problemadong SD o secure digital cards. Ito ang inireklamo ng ACT Teachers party-list group dahil umaabot sa 60-oras na nagtatrabaho umano ang mga BEIs simula noong Lunes, Mayo 13, dahil sa mga nabanggit na aberya. Sinabi ng grupo na sa kabuuan, umaabot sa 3, 253 Vote-Counting Machines (VCMs) ang hindi nakapag-transmit pasado alas-12:00 ng tanghali noong Miyerkoles kaya umaabot sa…

Read More

EX-DAR CHIEF LUMUSTAY NG P184-K; PINAGMULTA NG P6-K

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA) MATAPOS umamin sa kanyang pagkakamali, pinagmumulta ng P6,000 ng Sandiganbayan ang isang dating Regional director ng Department of Agrarian Reform(DAR) na una nang ginamit ang P184,904 public funds para sa kanyang personal na interes. Guilty sa isang bilang ng paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code si dating DAR Region 13 chief Yusoph Mama. Nag-ugat ang kaso sa liquidation report na isinumite ng Commission on Audit(COA) kung saan mula noong September 30, 2011 ay hindi pa nai-liquidate ni Mama ang natanggap nitong pondo kung saan siya…

Read More

POLITICAL DYNASTY NASA KAMAY NG BOTANTE

panelo 200

(NI BETH JULIAN) NASA kamay ng mga botante ang pagpapatuloy ng pagtigil na ng sistema ng political dynasty. Ito ang paniniwala ng Malacanang sa gitna ng pagkagiba ng mga kilalang angkan ng mga politiko sa nagdaang eleksyon. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magkakaiba ang paniniwala ng mga Filipino sa political dynasty. Aniya, iba ang dynamics sa local elections dahil ang mga residente o constituents ang mas nakaaalam kung ano at sinong opisyal ang makabubuti para sa kanila. Ayon kay Panelo, kung maayos naman ang pamumuno ng angkan ng politiko…

Read More