EXECUTIVES NG HERMES, PINAGKAMAY NI HEART

(REY PUMALOY) HANGGANG sa Paris at sa mga sosyalan hindi pa rin nakakalimutan ni Heart Evangelista na i-promote ang Filipino culture sa ibang lahi. Suot man ng Kapuso star at “StarStruck” judge ang iba’t ibang mamahaling brand, nananatili pa ring Pinay ang puso nito. Kamakailan lang habang nasa Paris Fashion Week ang actress-fashionista, ipinakilala nito sa mga kaibigang celebrities ang isa sa tradition ng mga Filipino, ang “boodle fight” kung saan sabay-sabay na kakain ang lahat ng nakalatag na iba’t ibang putahe. Hindi simpleng kainan ang ipinagawa ni Heart sa…

Read More

21-0; PAGPAPALIBAN SA BRGY, SK ELECTIONS LUSOT SA SENADO

BRGY-SK-TERM

(NI NOEL ABUEL) LUMUSOT na sa Senado ang panukalang naglalayong ipagpaliban ang May 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Sa botong 21-0, inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukala na nagsusulong na itakda ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa December 5, 2022. Isinasaad din sa panukala na isasagawa ang Barangay at SK elections kada tatlong taon. Ang ipinasang Senate Bill No. 1043 ay pinagsama-samang limang panukala na nakapaloob sa Committee Report No. 4 at inisponsoran ni Senador Imee Marcos, bilang chairperson ng Senate committee on electoral reforms and…

Read More

VILLAR SA SUGAR REGULATORY ADMIN: DAPAT BARILIN KAYO SA LUNETA!

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MULING nag-init ang ulo ni Senador Cynthia Villar nang mabatid ang isyu ng underspending sa implementasyon ng Sugarcane Industry Development Act (SIDA). Sa gitna ito ng pagdinig ng Senate Finance Subcommittee sa panukalang budget ng Department of Agriculture (DA) at mga attached agencies nito para sa 2020. “Dapat barilin kayo sa Luneta,” inis na pahayag ni Villar sa mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration. Iginiit ni Villar na dahil sa underspending, mula P2 billion, ibinaba sa P500 million ang pondo para sa SIDA sa susunod na taon.…

Read More

TRANSPORT STRIKE NILANGAW

(NI LYSSA VILLAROMAN/PHOTO BY ARCHIE CRUZ POYAWAN) INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi naging matagumpay ang isinagawang nationwide transport strike ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON)  upang ipanawagan ang pagpapasuspinde ng jeepney modernization program. Ayon kay MMDA spokesperon Assistant Secretary, Celinne Pialago,  kaunti lamang ang pasaherong na-stranded papasok sa kanilang trabaho sa ibang lugar sa Metro Manila habang ang iba ay hindi naramdaman ang transport strike. Ayon kay Pialago,  ang mga lugar na may mga…

Read More

JULIA’S NEW VLOG, TUNGKOL SA BASHERS NIYA

SA kanyang second vlog, in-address ni Julia Barretto ang bashing na natamo niya nang kampihan ng mga ito si Bea Alonzo nang maghiwalay ito at ang nobyong si Gerald Anderson. Sabi ni Julia, “You’re like public property. They forget that you’re human with real feelings and real emotions and real problems and real issues. It’s hard because people feel like they have the right to dictate or to control your life or they feel like they can decide for you and make your choices for you.” Naka-relate daw siya sa…

Read More

HAZING SA PNPA MAIIWASAN NA

albayalde

(NI AMIHAN SABILLO) OPTIMISTIKO si National Police Chief Police General Oscar Albayalde na maiiwasan na ang hazing sa Philippine National Police Academy (PNPA) na ngayon ay nasa ilalim na ng pamamahala ng Philippine National Police (PNP) . Ito ang inihayag ni Albayalde pagkatapos pormal na i-turn over Lunes ng umaga sa PNP ang PNPA mula sa Philippine Public Safety Colleges. Sinabi pa ng hepe ng pulisya na ngayong May direktang control ang PNP, magiging mas mahigpit na sa mga pribilehiyo at parusa sa mga kadeteng gumagawa ng labag sa batas.…

Read More

MOCHA COVERED NG 1-YEAR APPOINTMENT BAN — GAITE

(NI ABBY MENDOZA) MALI na italaga ng Malacanang si Mocha Uson sa bagong posisyon dahil sakop pa ito ng appointment ban. Ito ang pagsita ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite matapos italaga ngayong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte si Uson bilang Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ayon kay Gaite, malinaw na nakasaad sa Section 6 Article 9 ng 1897 Constitution na walang kandidato na natalo ang maaaring ipuwesto sa anumang government position isang taon matapos ang eleksyon. Ganito rin umano ang nakasaad sa Local Government Code,…

Read More

PAGBAWI NG SECURITY DETAIL NI AQUINO ‘DI DAHIL SA ‘NINJA COPS’

(NI AMIHAN SABILLO) PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde na walang kinalaman ang pag-pull out ng PNP security detail ni PDEA Director General Aaron Aquino, ukol sa pagbubunyag sa Senado ng PDEA tungkol sa “ninja cops”. Sinabi ng PNP Chief, ipinaliwanag na ni PRO3 Regional Director PBgen Joel Napoleon Coronel na ang pag-pull out sa 15 security ni Aquino na pawang mga miyembro ng PRO3 Regional Mobile Group ay dahil kailangan ng PRO 3 ang kanilang mga tauhan sa idaraos na SEA games. Hindi umano…

Read More

TAX CUT SA MAG-AALAGA SA MATATANDANG MAGULANG ISUSULONG

old

(NI BERNARD TAGUINOD) MAGKAKAROON ng  bawas sa buwis ang mga anak na hindi mag-aabandona bagkus ay mas inaalagaan pa ang kanilang mga matatandang magulang kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa House Bill 115 na iniakda ni Pampanga Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo, nais nito na bigyan ng kaluwagan sa buhay ang mga anak na walang sawang nag-aalaga sa kanilang mga matatandang magulang. “One praiseworthy Filipino value is devotion to family ties. Married children take care of their parents by supporting them during their twilight years…

Read More