2020 NATIONAL BUDGET IAAKYAT NA SA PLENARYO

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ang tatlong linggong pagbubusisi sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion sa committee level, iaakyat na ito  sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para pagdebatehan. Ngayong Linggo, ay ipinagmamalaki ng liderato ni House Speaker Allan Peter Cayetano na naitala ang mga ito ang ‘record time’ sa pagdinig sa mga budget proposal ng lahat ng ahensya ng gobyerno. Sinabi ng Davao City solon na bukas, Lunes, ay ilalabas na ang committee report sa nasabing pambansang pondo at agad na isasalang ito sa debate sa plenaryo…

Read More

‘BICOLANO BOY’ PEDRO TADURAN, PINASUKO SI SALVA

(NI VT ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor/PHOTO BY DANNY BACOLOD) MALAKI ang natutunan ni Pedro Taduran mula sa pagkatalo sa kanyang unang tangka sa world boxing crown noong 2018. Nagamit niya ang eksperiyensa para sa susunod niyang mga laban. Maging ang pagiging sparring partner sa Japanese boxers ay nakatulong nang malaki sa kanya. At nitong Sabado ng gabi, binalewala ni Taduran ang first round knockdown, para umiskor ng fourth-round stoppage laban sa paborito at undefeated na si Samuel Salva sa kanilang IBF minimumweight championship sa Philippine Marine Corps sa Taguig.…

Read More

BEA ALONZO MAY SPECIAL GIFT KAY AGA

NAKATANGGAP recently ang aktres na si Bea Alonzo ng espesyal na regalo mula kay Aga Muhlach. Ito ang nakalagay sa post ng aktres kamakalawa sa kanyang social media accounts. Sa naturang post, makikita ang larawan ng portrait painting ni Bea. Sabi ni Bea, “(the painting has) found its place in my house.” Sa caption ng post, sinabi ng aktres na, “THIS IS AMAZING!! Thank you @agamuhlach317 for this gift!!” Wala namang paliwanag kung para sa anong okasyon ang regalo. Nagkasama sina Bea at Aga sa 2018 movie na First Love.…

Read More

BIKTIMA NG MALING SENTENSYA YAYAMAN

(NI BERNARD TAGUINOD) YAYAMAN ang mga preso na biktima ng maling sentensya kapag naipasa ang isang panukalang batas na magbibigay sa kanilang ng sandamakmak ng salapi. Sa House Bill (HB) 3916 na iniakda ni Camiguin Rep. Mercedes Cagas, kailangang magkaroon ng makatarungang kompensasyon umano ang mga Filipino na nasentensyahan sa krimeng hindi naman niya ginawa. Ayon sa mambabatas, bagama’t umiiral ang Republic Act (RA) 7609 o “An Act Creating Board of Claims Under Department of Justice for Victims of Unjust Imprisonment or Detention of Victim of Violence and for Other…

Read More

MEDIA ‘WAG GAMITIN SA ANTI-DRUG OPS – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL mapanganib umano sa buhay, ipinanukala ng isang bagitong mambabatas sa Kamara na huwag gamitin ang mga kagawad ng media sa anti-drug operations ng mga law enforcers. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran ang nasabing panukala dahil “delikado ang buhay ng media man at wala naman silang sapat na proteksyon kapag sumaksi sa drug operation”. Dahil dito, nais ng mambabatas na amyendahan ang Republic Act (RA) 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 para alisin ang mga kagawad ng media bilang mga saksi sa mga ginagawang…

Read More

P1B SA GAMOT NG HIV VICTIMS GAGASTUSIN NG GOBYERNO SA 2022 

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL parami nang parami ang mga biktima ng human immunodeficiency virus (HIV), gagastos ang gobyerno ng hanggang P1 billion para sa gamot ng mga ito pagdating ng taong 2022. Ito ang pagtatayang ginawa ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor dahil higit 10,000 ang naidaragdag na HIV patients kada taon kung ang datos mula 2015 hanggang 2018 ang pagbabasehan. Ang DOH ay nakapagtala na  ng  5,366 bagong biktima ng HIV mula Enero hanggang Mayo ngayong taon kaya nangangamba ang mambabatas na lalagpas din sa 10,000 ang maidaragdag sa listahan ngayong 2019. Ayon…

Read More

76 CONVICT SA GCTA LAW NASA KUSTODIYA NA NG BUCOR

bucor55

(NI HARVEY PEREZ) UMAABOT na sa 76 convict sa heinous crime nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), ang nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor). Ayon kay Justice Spokesperson Usec. Markk Perete, ang mga convicts ay nagsisuko bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsisuko sa loob mg 15 araw ang mga Persons Deprived of Liberties (PDL) na nakinabang sa GCTA. Nabatid na kabilang na rito ang dalawang convict sa Chiong sisters rape-slay case na nakilalang sina  Ariel Balansag at Alberto Caño . Ang 28 umano…

Read More

FALCONS ISINALBA NG 3-POINT SHOT

(PHOTO BY MJ ROMERO) PAPAUBOS na ang oras, dali-daling bumato ng isang three-point shot si Lenda Douanga. Pasok! Panalo ang Adamson University Soaring Falcons, 84-83 laban sa National University sa overtime game nila kahapon sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum. Angat ang Bulldogs, 83-81 mula sa short stab ni Dave Ildefonso at halos abot-kamay na ang panalo sa huling 1.4 seconds ng overtime period. Nagpasya si Adamson head coach Franz Pumaren na tumawag ng timeout. Pagbalik ng laro, hindi nag-aksaya ng oras si Congolese slotman…

Read More

KOLEKSYON NG BUSINESS TAX SA LGUs, PATATAASIN

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang panukala na naglalayong palakasin ang koleksyon ng buwis mula sa mga negosyo. Sa kanyang Senate Bill 494, nais ni Sotto na amyendahan ang Situs of the Tax na nakapaloob sa RA 7160 o Local Government Code of 1991. Ang situs ay tumutukoy sa lugar ng pagbabayaran ng buwis. Alinsunod sa nakagawian, ang mga negosyanteng mayroong principal offices sa Metro Manila ay pinapayagang magbayad ng buwis sa Kalakhang Maynila kahit ang kanilang operasyon ay sa mga lalawigan. “The Local…

Read More