‘RICH KIDS’ MAY PWD ID – SOLON

(NI BERNARD TAGUINOD)

KAHIT ang mayayamang estudyante na walang karamdaman ay may hawak na Peoples With Disability (PWD) ID na ginagamit ng mga ito para makuha ng discount at makaiwas na magbayad ng value added tax (VAT).

Ito ang ibinunyag ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap kaya kailangan umanong higpitan ang pagbibigay ng PWD ID at tiyaking tanging ang mga may kapansanan ang makinabang sa nasabing pribilehiyo.

“May naireport sa akin na yung anak daw niya maraming classmate sa La Salle, naka-PWD po lahat, walang sakit,” ani Yap subalit nilinaw nito na walang kinalaman ang nasabing eskuwelahan dito.

Ayon sa mambabatas, kung lumalabas ang mga classmate ng anak ng nagreport sa kanila ukol sa pagkakaroon ng PWD ID ay grupo-grupo kaya lahat sila ay nababawasan ng 32% sa kanilang bayarin lalo sa pagkain sa restaurant dahil 20% ang discount ng mga PWD ID holder at libre pa sa 12% na VAT.

“So ganun ang kinatatakutan ko na ganun na ang mindset ng mga kababayan natin na ginagawa na nilang discount card ang PWD ID,” ayon pa kay Yap dahil maaari umanong makuha ang dokumentong ito sa mga fixer kapalit ng P3,000 hanggang P5,000.

Wala umanong kawawa dito kundi ang mga kababayan na may totoong kapansanan na hirap na hirap na makakuha ng PWD ID tulad aniya ng isa nitong kilala may may anak na may autism ang hindi mabigyan ng ID.

Dahil dito, kailangan umanong higpitan ang pagbibigay ng PWD ID at tiyakin na tanging ang mga may kapansanan ang dapat mabigyan ng ganitong prebilehiyo at hindi ang mga taong walang karamdaman at may kaya pa sa buhay.

“Kung ang peke ( na PWD) at dadaan sa mga fixer ay dadami nang dadami , eh kawawa ho yung mga tunay na PWD dahil sila ang mauubusan ng pondo dito at sila ang hindi makakakuha (ng ID),” ani Yap.

 

Please follow and like us:
Read More

ASF SCARE LALALA PA

(NI BERNARD TAGUINOD)

LALONG lalala ang ASF (African Swine Flu) scare sa bansa dahil ayaw ng Department of Agriculture (DA) na pangalanan ang processed meat na natuklasang nagpositibo sa nasabing sakit ng baboy.

Ito ang ibinabala ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo kaya nanawagan ito sa DA na pangalanan na kung sino ang may gawa ng processed meat na nagpositibo sa ASF.

“Keeping the public guessing would only fuel  unnecessary ASF scare on all these products that could affect supply and prices,” pahayag ni Castelo kaya dapat na umanong pangalanan ng DA ang manufacturer na mula sa Luzon.

Sinabi ng kongresista na posibleng maapektuhan din ang iba pang processed meat  dahil natatakot na ang mga tao na kumain ng hotdog at tocino dahil sa pagtanggi ng ahensya na pangalanan ang manufacturer.

“So the DA should be transparent as public welfare and meat businesses are of paramount concern,” dagdag pa ng lady solon.

Nakiusap naman si BH party-list Rep. Bernadeth Herrera sa mga hog raiser na makipagtulungan sa gobyerno upang hindi na lumala ang pagkatakot ng mga tao sa pagkain ng baboy.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil may mga ulat na itinatago ng ilang hog raisers ang kanilang may sakit na alagang baboy at kinakatay ang mga ito para gawing processed meat.

“Tiwala tayo sa pahayag ng DOH na hindi nakahahawa sa tao ang African swine flu, ngunit paano kung ang baboy na ginawang karne ay namatay na dahil sa ASF at dahil doon humina ang resistensiya nito at nagkaroon ng ibang sakit? That pork would not be safe for people to eat because it did not come from a healthy pig,” ani Herrera.

Please follow and like us:
Read More

CLARK INT’L AIRPORT OK NA SA BYAHENG-KOREA 

(NI KEVIN COLLANTES)

INIANUNSIYO ng Department of  Transportation (DOTr) na simula nitong Linggo, Oktubre 27, ay maaari nang dumaan sa Clark International Airport ang mga biyahero na may planong magtungo sa Korea.

Pinangunahan pa mismo ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang travel at tourism officials, mga guests at VIPs, sa idinaos na inaugural ceremony ng bagong ruta ng Korean Air, sa pagitan ng Clark at Incheon, South Korea, sa Clark International Airport.

Sa pulong sa DOTr Air sector officials, nagtungo si Tugade sa Clark at sinaksihan ang pagdating ng maiden voyage ng Flight KE635, ng Korean Air, na sinalubong ng Ceremonial Water Cannon Salute sa tarmac.

Kasama ni Tugade sa pagsalubong sa mga pasahero ng KE635 sina Korean Air Regional Manager Cheol Lee, Luzon International Premier Airport Development (LIPAD) Corp. President and CEO Bi Yong Chungunco, at dating BCDA Senior Vice President Joshua Bingcang.

Kabilang din naman sa mga sumaksi sa seremonya sina DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Tamayo, CAAP Director General Jim Sydiongco, OTS Administrator Raul Del Rosario, Clark International Airport Corporation Jaime Melo, DOT Regional Director Carolina Uy, CDC Tourism Promotions Manager Noemi Julian, Korea Tourism Organization Director Joon Kil Jo, at iba pang ehekutibo mula sa travel sector.

“Today, it’s not about coming in and flying out, it’s all about trust. And I know that Korean Air came here not only because of the revenue that is to be generated, but more importantly, and this was mentioned to me by Ambassador Han – ‘we are going to Clark, if we are going to expand our operations in the Philippines, it’s because we want to show faith and trust in the Republic of the Philippines. It is because we want to show our support to President Duterte.’ – And it is for this reason that I come today, to accept the manifestation that this government is ready and willing to work with you hand in hand,” ayon kay Tugade.

Muli ring inihayag ng kalihim na ang Clark ay nananatiling kaakit-akit at viable na destinasyon para sa air traffic at logistics hub sa Central Luzon, at ang pagpapatuloy sa full development nito bilang alternatibong gateway ay higit pang makapagpapahusay sa industriya ng travel at tourism ng bansa.Nabatid na ang Clark-to-Incheon flight ay bibiyahe araw-araw, at may isang round trip kada araw.

 

Please follow and like us:
Read More

PINAS MAY PINAKAMALALANG PENSION SYSTEM

(NI BERNARD TAGUINOD)

KABILANG ang Pilipinas sa may pinakamalalang pension system sa mundo, base sa  isang pag-aaral ng Australia-based na Monash Center for Financial Studies at professional services firm na  Mercer.

Ito ang nabatid kay House deputy minority leader Carlos Zarate kaya dapat umanong bigyang pansin ng Duterte administration ang kalagayan ng mga senior citizens sa bansa.

“This is indeed very unfortunate and highlights the need for higher pensions for our senior citizens. The pensions of senior citizens here in the Philippines are almost at subhuman levels and should immediately be increased,” ani Zarate.

Base sa pag-aaral ng nasabing grupo aniya ngayong 2019,  ang Pilipinas ang ika-34 sa 37 bansa samundo na may malalang pension system  kaya isa ang mga Filipino retirees ang may malalang kalagayan.

“This study should be a wake-up call to the Duterte administration of the dreadful plight being ensured by our senior citizens and Pres.Duterte should certify our measures as urgent,” ani Zarate.

Hindi ito nakapagtataka aniya dahil simula noong 2010, ay hindi nagkaroon ng adjustment sa P500 kada buwan na social pension ng mga senior citizens lalo na ang mga mahihirap.

Maliban dito, naapektuhan din umano ang mga pensyonado nang ipatupad ang gobyerno ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law noong Enero 2018 na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo publiko.

 

Please follow and like us:
Read More

20% SA 26-K NA IRERECRUIT NG PNP IPINALAAN SA BABAE

pnp

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAASA ang isang lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ilalaan ng susunod ng hepe ng Philippine National Police (PNP) ang 20% sa 26,370 na irerecruit nito sa susunod na taon.

Ginawa ni House deputy speaker Johnny Pimentel ang nasabing pahayag matapos maglaan ang Kongreso ng P24.4 Billion na pondo sa 2020 national budget para sa recruitment ng mga bagong miyembro ng PNP.

Ayon sa mambabatas, 10,000 ang kukunin ng PNP na pulis sa 2020 na may pondong P3 billion at P14.4 billion naman para punun ang 26,685  na bakanteng posisyon sa PNP.

Nabatid na dapat 214,410 na sana ang position para sa uniformed personnel sa PNP subalit 187,725 lamang ang puwersa ng mga ito kaya mayroon pang bakanteng 26,685.

Sinabi ni Pimentel na dapat ilaan umano ang 20% dito sa mga kababaihan upang mas dumami pa ang puwersa ng mga ito sa PNP at mawala na diskriminasyon pagdating sa police force.

“This is no longer just about improving the PNP’s gender-sensitivity. This is about giving women the same opportunities as men to serve – to obtain gainful employment and to advance,” dagdag pa ni Pimentel.

Dahil dito, umaasa ang mambabatas na sinuman ang papalit kay dating PNP Chief Oscar Albayalde ay ilaan ang 20% sa mga posisyong ito sa mga kababaihan dahil ang nag-resign ng opisyal ay hanggang 10% lang sa puwersa ng mga pulis nais nitong bilang ng mga babae sa pambansang pulisya.

“To discourage potential abuses by male officers, we want the desks to have sole and direct custody of women and minors who are brought to police stations for questioning.  We also want the desks to supervise women and children who visit their loved ones in police detention,” ani Pimentel kaya dapat umanong dumami pa ang puwersa ng mga babae sa PNP.

 

Please follow and like us:
Read More

MARTIAL LAW SA BUONG BANSA NAKAAMBA PA RIN

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI pa rin isinusuko ng Duterte administration ang planong isailalim sa Martial Law ang buong bansa.

Ito ang basa ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago sa pahayag umano ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na babawiin ang martial law sa Mindanao kapag sa pag-amyenda sa Human Security Act (HSA).

“Secretary Esperon is in effect proposing to trade the lifting of Martial Law in Mindanao in exchange for de facto Martial Law throughout the country, a ridiculously deceptive devil’s bargain,” pahayag ni Elago.

Base sa panukala, matindi ang implikasyon sa bansa kapag nagtagumpay ang gobyernong Duterte na amyendahan ang HSA dahil maaaring manghuli nang mahuli ng mga taong paghihinalaan pa lang nila na kalaban ng terorista at kalaban ng gobyerno at ikulong ng dalawang buwan na kahit walang maisampang kaso.

Mapalalawig din ng hanggang dalawang buwan ang wiretapping activities na ang tiyak na target, ayon kay Elago, ay mga kritiko ng administration at ibababa naman ang multang P500,000 kada araw  na ipapataw sa mga  ng mga otoridad na aaresto kahit walang kasalanan.

“With the amendment of the HSA, we can only expect the abysmal human rights situation in our country to become even worse. The amended HSA will undoubtedly be used to clamp down on dissent and further persecute government critics and political opposition. Innocent civilians could be stripped of their rights and civil liberties,” dagdag pa ni Elago.

Lalong lalala umano ang sitwasyon sa bansa kapag sinabayan pa ito ng pagbuhay umano sa Anti-Subversion Law at militarisasyon sa mga eskuwelahan at hindi lang sa Mindanao ito ipapatupad kundi sa buong bansa.

 

Please follow and like us:
Read More

35,000 PULIS IKAKALAT SA NOB. 1

PNP by JhayJalbuna

(NI JG TUMBADO)

NASA kabuuang 35,000 police personnel ang ipakakalat sa buong bansa para magbantay ng seguridad at kaligtasan sa publiko para sa obserbasyon ng Araw ng Undas sa Nobyembre 1.

Ayon sa tagapagsalita ng pambansang pulisya na si Police Brig. General Bernard Banac, bukod sa nabanggit na bilang ay may 100,000 volunteers pa mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang magiging kasama o katuwang ng PNP.

“Ito yung mga fire, medics, rescue groups at maging yung mga bantay bayan natin at mga barangay tanod,” pahayag ni Banac.

“So binilang natin lahat yan, abot ng almost 100,000 kaya kung bibilangin natin ang puwersa ng PNP at civilian force multipliers aabot ng 135,000,” saad pa ni Banac.

Siniguro rin ng opisyal na ang deployment sa mga pulis ay 24-oras.

Mismong nanawagan si Banac sa publiko, partikular ang magtutungo sa mga sementeryo, na mas mainam kung dadalawin ng kaanak ang namayapang mahal sa buhay bago pa man dumating ang petsa ng Nobyembre 1 upang iwas na rin sa pakikipagsiksikan at balyahan sa dagsa ng mga tao.

Pinaalalahanang muli ng pulisya ang publiko na iwasang magpasok sa sementeryo ng anumang matutulis na bagay, alak at kung ano pang ipinagbabawal na bagay dahil kukumpiskahin din nila ang mga ito.

Please follow and like us:
Read More

MASTER PLAN NG MANILA WATER, MAYNILAD, NASAAN? — IMEE

(NI NOEL ABUEL)

 

HINAHANAP ni Senador Imee R. Marcos ang komprehensibong master plan sa Maynilad at Manila Water para masolusyunan ang nararanasang water shortage sa Metro Manila at mga karatig probinsya.

Ginawa ni Marcos ang pahayag kasunod ng kabiguan ng dalawang water concessionaires na maglatag ng plano para maagapan ang krisis sa tubig na nagsimula nitong October 24.

Sinabi ni Marcos na hindi dapat umaasa lang sa buhos ng ulan sa dam ang dalawang concessionaires dahil tiyak na mas malala pa ang mararanasang problema sa tubig kapag sumapit na ang tag-init sa taong 2020.

“Hindi pa naman summer bakit may water shortage na? Nasaan ang plano ng Maynilad at Manila Water sa nangyayaring water crisis?” pag-uusisa ni Marcos.

Sa ilalim ng concession agreement, binigyan ng MWSS ang  Maynilad  ng 37 taon para pangasiwaan, i-operate, i-repair, at i- refurbish ang lahat ng fixed and movable assets para sa water and sewerage services sa west area.

Ang Manila Water ay binigyan din ng MWSS ng exclusive rights sa east service area sa loob din ng 37 taong operasyon.

Giit ni Marcos, dapat nakapaloob sa masterplan ang pagtatayo ng dagdag na water reservoir na sasalo ng ulan na dala ng malalakas na bagyo sa bansa.

“Sa haba ng panahon na ipinagkaloob ng MWSS sa dalawang water companies, dapat mag-isip-isip naman sila ng paraan para hindi napepeste at napupwerhisyo ang ating mga kababayan, lalo na sa mga ospital na kailangan ng sapat na suplay ng  tubig.” Giit pa ni Marcos.

Tinatayang may 15-milyong kustomer ng Maynilad at Manila Water ang apektado ngayon ng water shortage  sa lungsod ng Mandaluyong, Maynila, Marikina, Navotas, Muntinlupa, Malabon, Makati, Las Piñas, Caloocan, Valenzuela, Parañaque, Pasay city at Quezon City, Rizal, Cavite at ilang bayan sa Bulacan.

Ipatatawag ni Marcos sa Senado ang mga may-ari ng Maynilad at Manila Water upang imbestigahan ang nangyayaring water crisis.

 

Please follow and like us:
Read More

UNFORGETTABLE LAOS SA #JOWABLE

PETERLEDESMA(PETER LEDESMA)

HINDI  siya isang Sharon Cuneta o Maricel Soriano para bigyan ng Viva Films ng isang malalim at malaking pelikula. Kaya ang kasama ni Sarah Geronimo sa Unforgettable ay isang aso.

Hayan tuloy, imbes na maganda na sana ang hawak na record ni Sarah para sa pinagbidahang Miss Granny na certified blockbuster ay bagsak siya ngayon dito sa kanyang latest solo film na kinabog pa raw ng #Jowable ni Kim Molina na kumita ng P6 million sa first day with a total gross of P100 million samantalang P5.1 million lang ang first day gross ng movie ng Pop Star Princess.

At hindi lang si Kim ang tumalo sa kanya! Maging si Maine Mendoza na nasa third week na this Wednesday ang movie with Carlo Aquino na Isa Pa With Feelings ay pinapasok pa rin ng moviegoers. Kasi naman masyadong naging confident itong si Boss Vic del Rosario, eh. Ang feeling niya ay porke’t kumita nga ‘yung Miss Granny ay magiging box-office hit rin si Sarah dito sa Unforgettable.

Tulad ng aming nasulat noon, sa Hollywood lang tinatangkilik ang pelikula na ang kwento ay tungkol sa aso. Oo, magaling na kung sa magaling ang performance ni Sarah sa Jun Robles Lana movie niyang ito pero maling project ang naibigay sa kanya kaya so-so lang talaga ang kikitain nito hanggang sa magtapos ang showing.

Imagine ‘pag nagkataon na hindi mahigitan ni Sarah ang 100M na kinita ng Jowable ni Kim ay isang malaking sampal ito on her part. Ibig sabihin ay kinakagat lang siya kapag si John Lloyd Cruz ang katambal niya.

MAS PINALAKI ANG PAPREMYO SA SWITCHING NG ‘SUGOD BAHAY’ AT ‘PRIZES ALL THE WAY’

‘Yung “Juan For All, All For Juan” ay napunta na sa Barangay APT sa Marcos Highway at ang “Prizes All The Way” na dati’y nasa APT Studio ay mapapanood na sa iba’t-ibang barangays sa loob at labas ng Mega Manila kung saan susugod sina Dabarkads Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Ryan Agoncillo, atbp. para doon ipagkaloob ang iba’t-ibang papremyo na pwedeng mapasakamay ng sinuman na makakapagbukas ng susi nito.

Ang saya ng nangyari sa switching ng dalawang segments at mas marami ang magiging masaya dahil mas lalong pinalaki ang mga papremyo.

Sina dabarkads Anna Marie ng Sta. Mesa at Nanay Teresita ng Caloocan ang dalawa sa buena manong nabigyan ng sangkaterbang prizes sa “Juan For All, All For Juan” sa Barangay APT.

Kaya maghanda na at baka kayo na ang susunod na magiging winners!

 

Please follow and like us:
Read More