(NI NOEL ABUEL) DAPAT na maghanda ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa posibleng tuluyang pagba-ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait. Ito ang sinabi ni Senador Joel Villanueva kung saan kailangan aniyang tiyakin ng mga ahensya ng pamahalaan na may sapat na trabaho at oportunidad sa pagsasanay sa mga manggagawang maaapektuhan ng nasabing ban. “We call on the DOLE and TESDA to ensure that there are available jobs and training opportunities for workers who will be affected by…
Read MoreDay: January 3, 2020
DOH, DEPED, CHED KINALAMPAG LABAN SA HIV CASES
(NI NOEL ABUEL) PINAKIKILOS ng isang senador ang Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), at Commission on Higher Education (CHEd) para palakasin ang mga programa laban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) kaugnay ng dumaraming bilang ng kaso nito sa bansa. Panawagan ni Senador Win Gatchalian nababahala ito sa dumaraming bilang ng mga Filipinong nagkakasakit ng HIV kung saan sa huling bahagi ng 2019 ay nakapagtala ng 36 na kaso kada araw ang Epidemiology Bureau ng DOH. Ito ay mas mataas aniya sa 35 kasong naitala noong Hulyo 2019…
Read MoreMABIGAT NA PARUSA VS RECKLESS DRIVERS ISINUSULONG
(NI BERNARD TAGUINOD) GAGAWA na ng batas ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga reckless drivers na nagiging dahilan ng pagkamatay, hindi lamang ng mga pasahero kundi ng mga taong naglalakad lamang sa kalsada. Sa ilalim ng House Bill (HB) 3205 o Reckless Driving Criminal Act na iniakda ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, panahon na aniya para turuan ng leksyon ang mga reckless drivers at maiwasan ang pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan. “When family members leave their houses and go out into our…
Read MoreKUMPLETONG LISTAHAN NG NAGPAKULONG KAY DE LIMA IBUBUNYAG
(NI NOEL ABUEL) PINAGHAHANDAAN na umano ni Senadora Leila de Lima ang mas detalyadong listahan ng mga taong nasa likod ng pagpapakulong sa kanya dahil sa akusasyong sangkot ito sa illegal na droga. Kinumpirma ng kanyang chief of staff na si Atty Fhillip Sawali lna na mayroon ang senadora na mas komprehensibong listahan ng mga opisyal ng administrasyon at iba pang mga personalidad na may kinalaman sa pagpapakulong dito. Aniya, sa oras na matapos ang listahan ni De Lima ay posibleng mapabilang sa mga iba-ban sa Estados Unidos ang mga…
Read MoreOVERACTING ANG JADINE FANS
(NI LOLIT SOLIS) SOBRANG reaction ng mga fans ng Jadine sa balitang hiwalayan nila. Alam mo, para sa akin bagay na bagay ang dalawa, saka maganda kumbinasyon nila at suwerte naman team up nila ng magkasama sila. Baka naman isa lang itong case ng small misunderstanding at puwede pa maayos at magkabalikan muli kung tutoo man naghiwalay. Kaya lang medyo iba rin pressure dahil hindi na contract star ng Viva si James Reid, si Nadine Ilustre lang ang natira kaya talagang pagdating sa loveteam medyo mahirap na silang pagsamahin, maliban…
Read MoreKARNE, PRUTAS NASABAT SA NAIA-BOC
(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang aabot sa 21.2 kilos ng karne galing sa tatlong bansa, na kinabibilangan ng China, Malaysia at Vietnam. Nakuha sa mga pasahero ang mga chicken feet sa loob ng kanilang mga bagahe na nadiskubreng walang mga import pernit. Bukod sa mga karne na-intercept din ang 8.2 kilos ng prutas at mga gulay na sinasabing galing sa bansang China . Agad naman ilinipat ang mga naturang confiscated items sa Bureau of Animal…
Read MoreRIGODON SA PNP IPATUTUPAD
(NI AMIHAN SABILLO) PANIBAGONG rigodon ang mararanasan ng mga matataas na opisyal ng PNP sa katapusan ng buwan. Ito ang inihayag ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa kung saan ang mga pangunahing maapektuhan sa rigodon ay mga regional directors at mga hepe ng national support units ng PNP. Ayon kay Gamboa, magiging batayan ng pananatili sa puwesto ng mga kasalukuyang nakaupo sa mga nabanggit na posisyon ay ang kanilang performance rating. Sinabi pa nito na sa January 20 gagawin ang susunod na performance review, at mayroong isang linggo…
Read MorePULIS NA GUMAGAMIT NG ‘RECOVERED VEHICLES’, HAHABULIN
(NI AMIHAN SABILLO) INIUTOS na ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa sa PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) na tugisin ang mga pulis na gumagamit ng mga sasakyang na-recover ng PNP. Kasabay ng bilin ni Gamboa sa PNP-Highway Patrol Group na ibigay ang listahan ng mga impounded at na-recover na sasakyan ng PNP sa IMEG para ma-trace kung may mga pulis na gumagamit ng mga ito. Meron umanong mahigit 200 na 4 at 2 wheeled vehicles na na-impound o narecover na carnapped vehicle sa imbentaryo ng HPG. Sinabi…
Read MoreDUTERTE BUO ANG TIWALA SA PNP – SEC. AÑO
(NI AMIHAN SABILLO) HINDI nawalan ng tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP). Ito ang binigyang diin ni DILG Sec. Eduardo Año sa isang phone interview sa mga mamahayag sa Camp Crame nitong Biyernes kaugnay ng hindi parin pagtatalaga ng Pangulo ng permanenteng PNP Chief. Ayon kay Año, nahihirapan ang Pangulo na pumili mula sa tatlong nangungunang kandidato na malapit sa kanya at gustong pag-aralang mabuti ang kakayahan ng mga kandidato. Aminado naman si Año na ‘disappointed’ ang Pangulo sa nangyaring isyu sa ninja cops.…
Read More