MABIGAT NA PARUSA VS RECKLESS DRIVERS ISINUSULONG

(NI BERNARD TAGUINOD)

GAGAWA na ng batas ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga reckless drivers na nagiging dahilan ng pagkamatay, hindi lamang ng mga pasahero kundi ng mga taong naglalakad lamang sa kalsada.

Sa ilalim ng House Bill (HB) 3205 o Reckless Driving Criminal Act na iniakda ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, panahon na aniya para turuan ng leksyon ang mga reckless drivers at maiwasan ang pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan.

“When family members leave their houses and go out into our streets, their lives are at the mercy of reckless drivers. The government should set out a public policy that ensure outmost protection to pedestrians and commuters,” ani Castelo sa kanyang panukala.

Dahil dito, nais ng mambabatas na magkaroon ng mabigat na parusa ang mga reckless drivers kung saan kapag nakapatay ang mga ito sa kanilang barumbadong pagmamaneho ay ikukulong ng 10 taon at pagmumultahin ng P2 Million.

Hanggang 5  taon na pagkakakulong naman at P1 milyong multa kapag may nasaktan dahil sa barumbado nilang pagmamaneho habang 2 taon at multang P100,000 kapag nakasira ang mga ito ng ari-arian.

Kahit walang nasaktan ang mga ito kapag nahuli ng reckless driving ay makukulong pa rin ng isang taon at multang hindi bababa sa P100,000.

Ginawa ng mambabatas ang panukala dahil sa sunud-sunod na aksidente sa lansangan na karaniwang sanhi ng reckless driving na ikinamatay ng mga inosenteng mamamayan.

“The lack of severe punishment emboldens unscrupulous drivers even to intentionally run over a victim believing it would be better to kill the victim than to assist him because the damages they would be required to pay would be much less than the hospitalization expenses,” ayon pa kay Castelo kaya kailangan na aniya ang magkaroon ng mabigat na parusa sa mga reckless drivers.

Hindi lamang ang mga drivers na sangkot sa aksidente ang pananagutin kundi ang mga operators o may –ari ng mga sasakyang minamaneho ng mga ito ang papatawan ng nasabing parusa kapag naisabatas ang nasabing panulaka.

 

189

Related posts

Leave a Comment