PACQUIAO vs MCGREGOR TULOY NA

LALONG iinit ang balitang pagsasagupa nina eight-division champion at current WBA welterweight king Manny Pacquiao at MMA fighter Conor McGregor.

Ito’y matapos ihayag ang paglagda ng kontrata ni Pacquiao sa Paradigm Sports Managament, para kumatawan sa Filipino champion sa nalalabing taon ng kanyang karera.

“I am proud to partner with Paradigm Sports Management and am excited for the opportunities that Audie Attar and PSM have to offer,” pahayag ni Pacquiao. “One thing I want everyone to remember is to always think positively.  Never think negatively; that is the beginning of your downfall.  Everything is possible”.

Nagpahayag din ng excitement si Paradigm President at CEO Audie Attar sa pakikipag-partner kay Pacquiao.

“I’m honored to have the opportunity not only to maximize Manny’s boxing career but to help him continue to leave a legacy he is proud of through the lens of business and sport. My approach is to focus on each client and their goals always, and I look forward to fighting on his behalf,” wika nito.

Ang management company ni Attar ang responsable sa ginanap na pinakamalaking laban sa combat sports, ang sagupaan sa pagitan nina McGregor at undefeated boxing champion Floyd Mayweather.

“Welcome to the team Emmanuel.” Ito naman ang tweet ni McGregor matapos ang pagpirma ni Pacquiao sa Paradigm Sports Management.

Matapos ang 40-second win ni McGregor noong Enero kay Donald ‘Cowboy’ Cerrone sa kanyang pagbabalik sa octagon, kasama sa kanyang mga nabanggit na susunod na makalaban ang pangalan ng Philippine Fighting Senator.

At ngayong magkasama na sila sa iisang kompanya, mas tumaas ang posibilidad na magkasagupa silang dalawa.  (VT ROMANO)

Read More

2020 AFC Cup CAMBODIA PINADAPA NG CERES-NEGROS

BLINANGKO ng Ceres-Negros FC ang Preah Khan Reach Svay Rieng FC ng Cambodia, 4-0, Martes ng gabi sa pagsisimula ng  2020 AFC Cup sa Rizal Memorial Football Stadium.

Sa harap ng mahigit 4,000 fans na sumaksi sa laban, sumipa si Bienvenido Marañon ng two goals sa 55th at 70th minutes para ihatag sa Busmen ang opening win.

Unang umiskor para sa Ceres si Takashi Odawara sa 12th minute mula sa pasa ni OK Porteria, na sinundan ng goal ni Joshua Grommen makalipas ang dalawang minute buhat naman sa cross pass ni Stephan Schrock para sa maagang 2-0 lead.

Bunga nito, ang Busmen ay kumolekta ng three points sa Group B campaign, kasama ang Bali United, nagwagi naman kontra Than Quang Ninh ng Vietnam.

Tatangkain ng Busmen na makuha ang ikalawang panalo laban sa Than Quang Ninh sa susunod na Martes (Pebrero 25) sa parehong venue. (VT ROMANO)

Read More

BINANGONAN VS PARANAQUE SA CBA TITLE?

SINORPRESA ng Binangonan ang defending champion San Juan, 85-79, habang giniba ng Parañaque ang Palayan City, 94-75, para sa inaasahang title showdown ng dalawang teams sa
Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Executive Cup basketball tournament sa Binangonan Recreation Center.

Ikinasa nina Felipe Chavez, John Paul Pineda, JL De los Santos at Marwin Dionisio ang lakas ng tropa kung saan ay hinadlangan ng Challengers ang Knights sa mahigpit at kapana-panabik na bakbakan upang maitakas ang panalo.

Nagsalansan si Chavez ng 20 puntos at 9 rebounds habang nag-ambag din si Pineda ng 20 puntos at 4 rebounds para sa Binangonan, hinarang ang San Juan, 11-6, sa huling anim na minuto upang kompletuhin ang pagwawagi.

Nagtala si De los Santos ng 17 puntos at 9 rebounds at nagdagdag si Dionisio ng 15 puntos at 8 rebounds para sa Challengers, pinisak ang 14-point deficit ng Knights.

Dinala ni Noah Lugo ang laban ng San Juan sa kanyang naiposteng 15 puntos, 5 rebounds at 3 assists, sinundan ni Adrian Nocum na mayroong 12 puntos at 9 boards.

Kinakailangan na lamang ng Binangonan at Parañaque ng isa pang tagumpay sa Game 2 sa Linggo upang maitakda ang kanilang inaabangang title showdown.

Samantala, kung mananalo naman ang San Juan at Palayan City, makakapuwersa sila ng deciding Game 3 sa Martes.  (DENNIS INIGO)

Read More

MPBL All-Star 3×3 TEAM PACQUIAO VS TEAM KOBE

HINDI lang mga MPBL player ang masasaksihan sa the Chooks-to-Go MPBL Lakan Season All-Stars extravaganza ngayong gabi sa MOA Arena.

Inaasahang magdadagdag ng kinang ang celebrity-laden clash sa pagitan ng Team Pacquiao at Team Kobe para sa 3×3 game.

Pangungunahan ni MPBL CEO Sen. Manny Pacquiao ang Team Pacquiao, habang si Kobe Paras naman sa Team Kobe sa 10-minute, race-to-21 competition, na magsisilbing palabok ng All-Star game sa pagitan ng North at South divisions.

Kasama sa Team Pacquiao si Thirdy Ravena, UAAP Finals MVP at kabilang sa three-peat Ateneo, Alvin Pasaol ng Zamboanga na batikan sa larong 3×3 at Fil-Am Troy Rike.

Habang kasama ni Paras sa team sina actor Gerald Anderson ng Imus Bandera at Fil-Am Joshua Munzon, gayundin si Andre, kapatid ni Kobe.

Bukod sa Team Pacquiao vs Team Kobe, maglalaban din sa 3×3 ang North’s team nina JP Belencion (Pasay Voyagers), JR Alabanza (Bulacan Kuyas), Aris Dionisio (Manila Stars) at Paolo Hubalde (Valenzuela Classic) at ang South na binubuo nina Rodel Vaygan (Mindoro Tamaraws), Leo de Vera (Zamboanga), Nick Demusis (Bacoor Strikers) at Jayjay Helterbrand (Imus).

Mayroon ding slam dunk contest at 3-point shootout. (VT ROMANO)

Read More

REDUCE, REUSE, RECYCLE’ HINDI EPEKTIBO AYON KAY GATCHALIAN; WASTE-TO-ENERGY TECHNOLOGY ISINULONG

Sa kabila ng lumalalang problema sa basura sa bansa, tanging 30% ng mga barangay sa buong Pilipinas, o 12,614 sa 42,045 na mga baranggay, ang nagpapatupad ng ‘segregation’.

Dahil dito, nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Win Gatchalian dahil hindi epektibo ang pinaiiral na ‘reduce, reuse, recycle’ (3Rs) waste hierarchy upang lutasin ang problema sa basura na kinahaharap ng ating bansa.

“Nakadidismaya na pumalpak ang implementasyon sa bansa ng ‘3Rs’ dahil galing na mismo sa DENR na 70% ng mga basura sa buong Pilipinas ay tinatapon lang kung saan-saan,” ayon kay Gatchalian.

Tinawag ni Gatchalian ang pansin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa patuloy na operasyon ng higit tatlong daan (331) pang mga ilegal na dumpsite na hanggang ngayon ay nag-o-operate pa rin. Ayon sa Senador, ang patuloy na operasyon ng illegal dumpsites ay labag sa Solid Waste Management Act.

Sinabi ni Gatchalian na napapanahon na para ikonsidera ng gobyerno ang Waste-to-Energy facilities para tugunan ang problema sa basura. Kaya sa Senado, mariing isinusulong ni Gatchalian ang agarang pagpasa ng Waste-to-Energy Act para mapakinabangan bilang enerhiya ang sangkatutak na mga basura na itinatambak lang kung saan-saan.

Hinihintay na lamang ni Gatchalian ang pagsusumite ng DENR, Department of Energy at Department of Science and Technology ng isang ‘collaborative study’ para sa mga potensyal na enerhiya at ilang mga isyung pang kapaligiran para mabigyang solusyon ang pamamahala ng wastong pagtatapon ng basura sa bansa.

Read More

Dahil sa COVID-19 UAAP GAMES STOP MUNA

IPINAGPALIBAN ng pamunuan ng University Athletic Association of the Philippines ang lahat ng sporting events nito simula Pebrero 15 bunga pa rin ng novel coronavirus, ngayon ay Corona Virus Disease 19 (COVID-19) na.

Unanimous ang naging desisyon ng Board of Trustees at Board of Managing Directors ng liga noong Martes ng hapon matapos ang press conference para sa second semester events.

Ito ay bilang pagsunod na rin sa abiso mula sa Department of Health at ng Commission on Higher Education.

“The University Athletic Association of the Philippines upholds, in the highest regard, the well- being, health and safety of the League’s community – players, coaches, students, their families and fans in general,” saad sa league’s statement na nilagdaan nina UAAP President Emmanuel Fernandez at Executive Director Rene Saguisag, Jr.

“In light of the COVID-19 outbreak, the UAAP, after thorough deliberation by the Board of Trustees and the Board of Managing Directors, have come to a decision to postpone all sporting events starting Saturday, 15 February.”

Bunga nito, hindi matutuloy ang pagbubukas sa Sabado ng men at women’s volleyball tournament.

Postponed na rin ang men’s football tournament sa Peb. 16, softball (Peb. 17), seniors baseball (Peb. 19), athletics (Peb. 19-23) at judo sa huling linggo ng Pebrero.

Maging ang playoffs sa high school beach volleyball at basketball ay iniurong.

Tuloy naman hanggang Biyernes ang fencing tournament pati na ang high school boys’ football.

“The UAAP will be closely monitoring the country’s situation in relation to the COVID-19 outbreak in order to determine the resumption of the games,” ayon pa sa official statement ng UAAP.  VT ROMANO

Read More

KOBE, 8 KASAMA SA CRASH INILIBING NA

ISANG pribadong paglilibing ang ginawa sa California para kay NBA superstar Kobe Bryant at sa 13-anyos nitong anak na si Gianna, na namatay kasama ang pito pang iba nang mag-crash ang sinakyang chopper noong nakaraang buwan.

Sa ulat na lumabas sa New York Post, kinumpirma na naganap ang libing noong Biyernes (Pebrero 7) sa Corona Del Mar.

May isasagawa ring public memorial sa Pebrero 24 sa Staples Center sa Los Angeles para sa mag-amang Bryant, pati na sa pito pang biktima.

“Vanessa and the family wanted a private service to mourn their loss,” lahad ng source sa Entertainment Tonight, pinagkunan ng detalye ng NYP. “The ceremony was extremely hard for everyone as it’s still hard for them to grasp they lost two beautiful souls.”

Ang iba pang biktima sa naganap na trahedya ang teammates ni Gianna na sina Alyssa Altobelli at Payton Chester, magulang ni Allysa na sina John at Keri, ang nanay ni Payton na si Sarah, girls’ basketball coach na si Christina Mauser at piloting si Ara Zobayan.

Ang nasabing helicopter ay patungo sana sa isang basketball game sa Mamba Sports Academy nang maganap ang insidente.  (VT ROMANO)

Read More

MANUEL, TRATTER PASOK SA GILAS

SINA Vic Manuel at Abu Tratter ng Alaska Aces ang ipapalit sa mga umatras na sina Christian Standhardinger at Mac Belo sa Gilas Pilipinas para sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers.

Naging bahagi si Manuel ng national men’s basketball team sa 30th Southeast Asian Games na nanalo ng gintong medalya sa ilalim ni coach Tim Cone.

Si Tratter naman ay nakabilang sa Gilas sa second window ng FIBA World Cup Qualifiers noong 2018.

Nauna nang kinuha ng Gilas si Justin Chua ng Phoenix Pulse, na ipinalit naman kay Japeth Aguilar na kasalukuyang nasa honeymoon pa.

Magsisimula ang first window ng qualifiers sa Pebrero 20 kung saan makakaharap ng Gilas ang Thailand, at Indonesia sa Pebrero 23.

Kabilang sa 24-man Gilas pool sina team captain Kiefer Ravena, at mainstays Roger Pogoy, CJ Perez at Troy Rosario. Makakasama rin nila ang mga dati at kasalukuyang collegiate standouts na sina Thirdy Ravena, Juan at Javi Gomez de Liaño, Dave Ildefonso, Dwight Ramos, Jaydee Tungcab, Isaac Go, Matt at Mike Nieto, Rey Suerte, at Allyn Bulanadi.

Read More

WAITER KULONG SA SPICY CHICKEN

CAVITE – Hindi pinatawad at ipinakulong ang isang 21-anyos na waiter ng isang restaurant matapos nitong iuwi ang P230 halaga ng spicy chicken sa Bacoor City sa lalawigang ito.

Sinampahan ng kasong qualified theft ang suspek na si Aldrin Bautista, waiter ng Somuniko restaurant at residente ng Longos, Brgy. Zapote 5, Bacoor City, dahil sa reklamo ng assistant supevisor ng nasabing restaurant na si Joneil Beloyo.

Sa ulat ni PSSgt. Alih Rimbang ng Bacoor City Police Station, pauwi na ang biktima sa kanyang trabaho dakong alas-11:30 nitong Miyerkoles ng madaling araw nang bitbitin nito ang halagang P230 spicy chicken na kinuha mula Sumoniko restaurant sa Brgy. Habay 2, Bacoor City.

Ngunit nabisto ito nang naispatan siya ng Close Circuit Television sa loob ng nasabing restaurant dahilan upang damputin at sampahan ng kaso. (SIGFRED ADSUARA)

 

Read More