SUMAILALIM na sa self-quarantine ang lahat ng mambabatas kasama ang kanilang mga staff, na dumalo sa special session noong Lunes, Marso 23, matapos magpositibo ang kanilang kasamahang si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa COVID-19. “The most responsible thing for me to do at this moment is to undergo a two-week self-quarantine,” ani House Majority leader Martin Romualdez kahit wala umano siyang close-contact kay Yap. Ganito rin ang pahayag ni House Minority Leader Benny Abante kung saan maging ang kanyang mga staff ay inabisuhan na sumailalim sa self quarantine bilang…
Read MoreDay: March 26, 2020
Sintomas ng COVID inilihim REP. YAP KAKASUHAN NG PSG
PINAG-AARALAN na ng Presidential Security Group na sampahan ng kaso si Congressman Eric Yap dahil sa hindi pagdedeklara ng tama at pagtatago ng ilang impormasyon nang ito’y magtungo sa Malakanyang nitong nakaraang Sabado para sa isang pulong. Sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante, nag-fill up nga ng declaration form ang kongresista subalit tila nagsinungaling ito at hindi idineklara na mayroon pala siyang nakasalamuha na mga positibo sa COVID 19. Bukod pa sa hindi rin isinulat ni Yap sa declaration form na may nararamdaman siyang sintomas ng corona virus gaya…
Read More‘KUPIT’ SA RELIEF GOODS BINUKING SA DILG
BINALAAN ng Department of Interior and Local Government ang mga walang kunsensiyang barangay chairman na natuklasang namumulitika na ay plano pang pagkakitaan ang mga ipinamamahaging relief goods ngayong umiiral ang Luzonwide “enhanced community quarantine.” Babala ng DILG, maaaring maharap sa kasong kriminal ang mga mapatutunayang nangupit sa ipinamamahaging relief goods. Nakarating sa kaalaman ng DILG na may mga barangay official na nagpa-padding ng kanilang listahan ng mga residente na pagkakalooban ng relief goods. Kabilang sa report na nakarating sa DILG ang isang barangay chairman na malapit sa Port Area, Manila…
Read MoreNaka-home quarantine, wala sa ospital BBM TINIYAK NA MAAYOS ANG KALAGAYAN
INIHAYAG ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gumaganda ang kanyang pakiramdam at kasalukuyang sumasailalim sa self-quarantine sa kanyang tahanan. Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Marcos na masyado siyang nasiyahan at nagulat sa dami ng nag-aalala sa kanyang kondisyon pero tiniyak na walang dapat ipag-alala ang lahat dahil bumubuti ang kanyang kalagayan, taliwas sa kumakalat na balita. “I am deeply touched and overwhelmed by your concern over my condition. Don’t worry, I am doing ok and contrary to popular belief, I am home on self-quarantine,” ayon kay Marcos.…
Read MoreBugbog’ sa netizens dahil may sintomas na, nag-shopping pa KOKO IRESPONSABLE, SINUNGALING
BUGBOG-SARADO sa social media si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III matapos lumitaw na nagawa rin niyang mamili sa isang grocery store sa BGC, Makati City gayung dapatay sumasailalim siya sa home quarantine. Kasunod ito ng pagbatikos sa senador dahil nagtungo siya sa Makati Medical Center (MMC) para ihatid ang manganganak na misis at pagkaraan ay umamin na positibo sa coronavirus disease 2019. Para sa netizens, maituturing si Pimentel na iresponsable at sinungaling dahil taliwas sa kanyang mga sinabi ang naglutangang aktibidad niya sa panahon na dapat ay nananatili siya sa…
Read MoreBongbong Marcos: Ok ako, self-quarantine sa bahay
Tiniyak ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gumaganda ang kanyang pakiramdam habang lumalaon at kasalukuyang sumasailalim sa self-quarantine sa kanyang tahanan. Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Marcos na masyado siyang nasiyahan at nagulat sa dami ng nag-aalala sa kanyang kondisyon pero hindi dapat mag-alala ang lahat dahil bumubuti ang kanyang kalagayan, taliwas sa kumakalat na balita. “I am deeply touched and overwhelmed by your concern over my condition. Don’t worry, I am doing ok and contrary to popular belief, I am home on self-quarantine,” ayon kay Marcos.…
Read MorePara sa pagbili ng medical supplies at PPE P14-M NA CASH DONATION TINURNOVER NG GLOBE SA PGH
MATAGUMPAY na nakalikom ang Globe ng P14-M na kanilang tinurnover sa PGH Medical Foundation, Inc. (PGH-MFI). Ang nasabing halaga ay nakalap sa pagtutulungan ng loyal Globe customers na nag-donate ng mahigit sa P9-M sa pamamagitan ng kanilang rewards points, at ng initial pledge ng kumpanya na P5-M na cash donation. Bahagi ito ng marubdob na pagsisikap ng telco na makapagkaloob ng kagyat na tulong sa medical frontliners sa PGH, na itinalaga ngayon bilang eksklusibong COVID-19 hospital ng Department of Health (DOH). Ang pondo ay ginamit ng PGH-MFI sa pagbili ng…
Read MoreRIZAL GOV POSITIBO SA COVID-19
KINUMPIRMA sa Facebook post ni dating Antipolo City Mayor Junjun Ynares III na tinamaan ng coronavirus disease ang inang si Rizal Governor Rebecca Alcantara-Ynares. Nasa stable naman aniyang kondisyon kahit at nasa isolation na ang gobernadora. Minabuti na rin nilang ilagay sa isolation ang amang si dating Governor Ito Ynares. Hinala ng pamilya Ynares, nakuha ni Gov ang virus sa araw-araw na pag-iikot sa kanilang mga kalalawigan para alamin ang mga pangangailangan sa pinaiiral na Enhanced Community Quarantine. Kaugnay nito, pinayuhan ng dating alkalde ang mga nakasalamuha ni Gov Ynares na…
Read MoreP1.3-M FACEMASK NASABAT NG CIDG
CAVITE – Umabot sa P1.3 milyong halaga ng disposable facemask ang nasabat ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at nadakip ang pito katao, kabilang ang isang Malaysian national, sa ikinasang entrapment operation sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito. Kinilala ang mga arestado na sina Hasan Meahar Asana, 43, Chinese Filipino, supplier; Lai Geou Tee, 28, Malaysian national, supplier; Ma. Anelia delos Reyes, 60, financier; Micah Salvador, 27, financier; Vanessa Zolayvar, 35, ahente; Dennie Realon, 29, ahente, at Bienvenido Alvarez, 52, ambulance driver. Sa ulat ng (CIDG)-Cavite,…
Read More