Former Law Dean sa pag-abswelto kay Koko DOUBLE STANDARD

0

HINDI napigilan ng dating Law Dean na si Rico Quicho na kwestyunin ang ginawang pagbasura ng National Prosecutor Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ) sa reklamo laban kay Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III kaugnay ng umano’y quarantine breach noong nakaraang taon.

Sa pamamagitan ng Facebook, agad naghayag ng mahabang saloobin ang abogado at binigyang diin ang tila pagkakaroon aniya ng double standard sa pagpapatupad ng batas kaugnay sa pinaiiral na quarantine protocols.

Bahagi ng post ni Atty. Rico Quicho ay nagsasaad na: “Is there a different set of rules for Mr. Koko Pimentel, the powerful and the privileged, and a different set for the fish vendor, the weak, the forgotten and the ‘unimportant’?”

Matatandaang ikinagalit ng publiko ang marahas na pag-aresto ng mga tauhan ng Quezon City LGU sa isang fish vendor na pinagpapalo, kinaladkad at hiniya sa publiko dahil sa pagiging quarantine violator.

Sa kasalukuyan ay libong violators na ang inaresto ng pulisya dahil sa iba’t ibang paglabag sa mga pinaiiral na health protocols.

Nauna nang naabswelto sa kaparehong reklamo si Senador Manny Pacquiao na pangulo ng PDP-Laban.

Pinawalang-sala ng NPS si Pimentel dahil hindi naman ito “public health authority” at hindi ito “obligadong mag-ulat” ng kanyang medical condition hinggil sa posibleng pagkakaroon niya ng COVID-19.

Ayon kay Prosecutor Honey Delgado, dahil sa nabanggit na mga rason ay walang nilabag na probisyon ng Republic Act 11332 si Pimentel.

Pinaimbestigahan ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) si Pimentel makaraang ireklamo ito ni Atty. Quicho dahil sinamahan nito sa Makati Medical Center (MMC) ang maybahay na nakatakda noong manganak gayung dapat ay naka-home quarantine siya habang hinihintay ang resulta ng kanyang COVID-19 test.

Matatandaang si Pacquiao ay inabsuwelto rin ng Philippine National Police (PNP) makaraang magtalumpati ang senador sa harapan ng mga taong magkakadikit, maraming walang face at marami ring walang face shield sa Batangas.

Ikatlo naman si Pimentel sa mga maka-administrasyong Duterte na napawalang sala sa paglabag sa Anti-covid law.

Ang isa pa ay ang tagapagsalita ni Duterte na si Atty. Harry Roque Jr. na inabsuwelto rin ng PNP dahil hindi rin niya kasalanan nang magkakatabing nag-umpukan ang mga residente sa Bantayan, Cebu habang pinanonood at pinakikinggan ang opisyal. (May dagdag na ulat si NELSON S. BADILLA)

Read More

Inilutang ni Lacson sa bibilhing Sinovac MAY KIKITA NG P16.8 BILYON?

0

NELSON S. BADILLA

 

NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na mayroong kikita ng P16.8 bilyon sa pagbili ng bakuna ng Sinovac mula sa China.

Ayon kay Lacson, ang P16.8 bilyon ay ang sobrang halagang ibabayad ng administrasyong Duterte sa 25 milyong doses ng bakuna ng Sinovac Biotech.

Sabi ni vaccine czar Cesar Galvez Jr. sa media ay “sealed the deal” at “locked-in agreement” na ang 25 milyong doses na inorder mula sa Sinovac.

Simula Pebrero 20 ay inaasahang darating ang unang batch na 50,000 doses.

Inulit ni Lacson sa kanyang privilege speech kamakailan na ang presyo ng bakuna ng Sinovac ay P3,692 kung dalawang turok, o P1,814 kada turok.

Anang senador, malayo ito sa presyo ng bakuna ng Sinovac na inialok sa pamahalaan ng Indonesia na P683.30 bawat turok at pamahalaan ng Thailand na P240 kada turok.

Kung ikukumpara, malinaw na napakamahal ng presyo ng bakuna na inialok ng Sinovac sa administrasyong Duterte.

Dahil sa mga presyong ito ng parehong bakuna na kitang-kita na napakalayo ng agwat sa bawat isa, nagpakawala ng ganitong pahayag si Lacson sa nasabing talumpati: “I am not prepared to accuse anyone in particular of corruption. Rather, it defies logic to suspect at least an attempt to overprice the vaccine. Again, when there is an attempt at overpricing, isn’t it also logical to think na may kikita ng limpak-limpak na salapi?”

Ngunit, tinuran ni Lacson na matitipid ng administrasyon ang P16.8 bilyon kung sakaling iatras ni Galvez ang order sa Sinovac.

Binanatan din ni Lacson ang iwinasiwas ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Secretary Harry Roque Jr. na “fake news” ang P3,692 na presyo ng Sinovac.

Ipinaalala ni Lacson na ang nasabing presyo ay galing sa Department of Health (DOH) na ipinarating noong 2020 sa pagdinig ng Senate Finance Committee tungkol sa mungkahing badyet ng pamahalaan para sa 2021.

Ibinisto rin ang maling impormasyon ni Galvez na malaki pa ang maibabawas sa presyo ng bakuna ng Sinovac dahil sa tinatawag na “300% markdown” ng “COVAX facility”.

Idiniin ng senador na hindi totoo ang argumento ni Galvez dahil “As discussed during the [Senate] hearings, the COVAX facility only has an agreement for early roll-out in February with Pfizer-BioNTech vaccine of a limited quantity. COVAX has also secured agreements for AstraZeneca and Moderna, and signed agreements for Johnson & Johnson and Sanofi-GSK”.

“There was no mention of Sinovac. When I asked Sec. Galvez a direct question on whether or not Sinovac is part of the COVAX program, his answer was – nag-a-apply pa lang,” pagsisiwalat ni Lacson.

Ilang araw ang nakalipas, nagbago ng tono si Roque dahil sinabi niya sa media na mababa ang presyo ng bakuna ng Sinovac na inorder ng Pilipinas.

Aniya, malapit ito sa P683.30 na presyong ibingay sa pamahalaan ng Indonesia.

Ngunit, hindi pa rin isinapubliko ni Roque dahil sa kasunduan ng Pilipinas at Sinovac na bawal itong ipaalam sa publiko.

Ang perang ipambabayad sa Sinovac at sa iba pang kumpanyang inorderan ng bakuna ay galing sa buwis na ibinayad ng mamamayan.

Maliban sa isyung napakamahal ng bakuna ng Sinovac na P16.8 bilyon ang sobrang halaga sa ilalabas na pera ng administrasyon, nakapagdududa rin ang bisa nito dahil batay na rin sa naglabasang resulta ng clinical trial sa ibang bansa ay 50 porsiyento lamang ang efficacy rate ng nasabing bakuna na gawa sa China.

Read More

Kapag na-contempt si Galvez DIGONG SUSUGOD SA SENADO

0

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sunduin sa Senado si vaccine czar Carlito Galvez kapag binastos na ito ng mga senador sa dagdag na pagdinig sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno ngayong araw (Biyernes).

Humirit kasi si Sen. Panfilo Lacson sa plenaryo hinggil sa pangangailangan na mabusisi ang ilang hindi pa umano malinaw na detalye sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19.
“Ang sabi po ng presidente, “Kung ika’y binastos, tumayo ka, huwag kang sumagot at umalis ka; at kapag ikaw ay iko-contempt, susunduin kita roon,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa kabilang dako, ipinag-utos aniya ni Pangulong Duterte kay Sec. Galvez na manatiling tahimik sa halaga ng bakunang aangkatin ng bansa kaugnay ng muling pagharap nito sa Senate hearing.
Ang tanging bilin ng Chief Executive kay Sec. Galvez ay maging transparent sa pagbibigay ng testimonya subalit hindi kasama rito ang presyo ng bakuna na aangkatin ng pamahalaan. (CHRISTIAN DALE)

Read More

KUMIKILOS NA SA MATAAS NA PRESYO NG BABOY

0

KUMIKILOS na ang gobyerno para tugunan ang sobrang taas ng presyo ng baboy.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na umaangkat na ang Department of Agriculture ng baboy hindi lamang sa Visayas at Mindanao kundi pati na sa iba pang ASF-free areas ng Luzon.
Maliban dito aniya ay nag-i-import na rin ang DA ng baboy sa bansa na walang ASF habang tinataasan din ang volume ng pork imports.

Mayroon din aniyang ipinatutupad na Bantay ASF sa barangay o ang BABay ASF na ang target ay mapigilan ang ASF katuwang ang LGUs, private sector veterinary groups at hog raisers.

“Sa medium term po, pinapatupad po nila iyong Bantay ASF sa Barangay o iyong BABay ASF, at ito ay nagnanais na ma-prevent at makontrol ang ASF in partnership with the LGUs, private sector
veterinary groups, hog raisers and traders. Iyong massive repopulation in ASF-free areas or green zones, iyong quick speedy indemnification doon sa mga may-ari ng baboy na napatay.

Ngayon, mayroon ding provision para sa P30,000 – zero interest, no collateral, 10 year to pay livelihood loans to displaced backyard hog farmers,” anito.

Sa ngayon ay umaabot na sa P400.00 kada kilo ng baboy na mas mahal pa sa presyo ng baka. (CHRISTIAN DALE)

Read More

PASSPORT REVOLVING FUND NG DFA SIMOT NA

0

IPAGBIBIGAY-ALAM ni Presidential spokesperson Harry Roque kay Budget Secretary Wendel Avisado ang ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na paubos na ang passport revolving fund ng bansa.

Gayunpaman, tiwala si Sec. Roque kay Locsin na makahahanap ito ng pondo.

Sa Twitter post kasi ni Locsin, Miyerkoles ng gabi ay sinabi nito na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makahanap ng pera to replenish o punan o dagdagan ang pondo lalo pa’t ang

Department of Foreign Affairs (DFA) ay mayroong utang na P388 million sa passport printing contractor APO Production Unit Inc., isang state-run firm.

Napag-alaman ng Kalihim na ang pondo ay ‘kinain” ng travel allowances, insurance at miscellany.”  (CHRISTIAN DALE)

Read More

AFP HINDI MAGTATAYO NG MILITARY DETACHMENT SA UP CAMPUS

0

ITO ang paglilinaw kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa gitna ng mga balita at haka-hakang pinakakalat umano ng mga sumasalungat sa ginawang unilateral abrogation ng kagawaran sa “No cops, no troops on campus” deal.

Ayon kay Lorenzana, “We do not intend to station military troops inside campuses. We do not wish to suppress activist groups, academic freedom and their freedom of expression”.

Kasabay nito ang paglalatag ng kalihim ng kanyang apat na punto: Na ito ay hindi curtailment ng academic freedom; ‘This will not impair their freedom of speech, assembly, and redress of grievances; The DND and the UP community can co-exist like before.

Sinabi pa ng kalihim, “The unilateral decision on the accord does not violate any provision of the agreement.” At higit sa lahat, aniya “This is not an attack against UP, but a necessary measure to protect the young.”

Nagpahayag naman ng kanilang suporta ang pamunuan ng AFP Northern Luzon Command at Southern Luzon Command maging ang major services sa naging pasya ng DND na pawalang bisa ang nasabing kasunduan sa UP.

Ayon kay Lt Gen. Arnulfo Marcelo B Burgos Jr., NOLCOM commander; “We want to prevent an instance where there is actual danger and we cannot respond and protect our people.”

Sa panig naman ni SOLCOM chief Lt.Gen Antonio Parlade, sinabi nito na kasalukuyan pang pinag-aaralan kung ano ang mga parameter na ipatutupad kaugnay sa pagsasawalang bisa ng kasunduan.

Pero ang tiyak umano ay hindi sila magsasagawa ng pagpapatrulya sa loob ng UP campus, ani Gen. Paralde. (JESSE KABEL)

Read More

Para makarekober sa ASF HOG RAISERS PINAKUKUHA NG INSURANCE

0

HINIKAYAT ni Agriculture Secretary William D. Dar ang backyard at commercial hog raisers na kumuha ng insurance packages para marekober sila sa kanilang investments sakaling hagupitin sila ng African Swine Fever (ASF).

“As the Department of Agriculture (DA) intensifies efforts to encourage hog raisers to get back to business and, ultimately, help pork production rebound, availing of an insurance coverage is a prudent safety net for existing raisers and for those in ASF-free areas who will venture into this business,” ani secretary Dar.

“Insurance offers stronger security in protecting one’s investments,” dagdag pa niya.

“Do not hesitate to take advantage of the free livestock insurance offered by the DA’s Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). Regain your businesses and protect your livelihood,” pahayag pa ng hepe ng DA.

Ang nag-iisang government agricultural insurance firm sa bansa- ang DA-PCIC ay isinama ang ASF sa sakop ng livestock insurance nitong 2019, kung kailan nananalasa ang kinatatakutang sakit sa mga kanayunan, ayon kay Atty. Jovy Bernade, presidente ng ahensiya.

Ang PCIC ay magbibigay ng P10,000 insurance na sakop ng bawat ulo ng baboy, sa premium payment ng 2.25% o P225 lamang.

Bukod dito, ang maliit na backyard hog raisers ay bibigyan ng libreng insurance kung sila ay nakalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Ang insurance coverage ay iba sa ASF indemnification claims na ang benepisyaryo ay karapat-dapat mabigyan ng P5,000 assistance bawat baboy na pinapatay.

Ang hog raisers ay maaaring mag-apply para sa insurance via online sa pamamagitan ng DA-PCIC website, o maaaring bisitahin ang kanilang 13 regional offices, 58 provincial extension offices at 20 services desks.

“The provincial, city or municipal agricultural officer or equivalent official in any locality may also be sought for assistance,” dagdag pa niya.

Kasabay nito, hinikayat din ang agricultural stakeholders na samantalahin ang libreng insurance coverage na bahagi ng ‘DA’s broader goal under the hog repopulation program, na pinondohan ng inisyal na P400 million. (JOEL O. AMONGO)

Read More

P70-M SMUGGLED PRODUCTS NASABAT SA PARAÑAQUE

0

NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Customs (BoC) noong Miyerkoles ang P70 milyong halaga ng smuggled goods sa isang warehouse sa Parañaque City.

Kasama sa nakumpiska ng BoC raiding team ang mga damit, gamot, sapatos, sigarilyo, surgical mask, at pagkain na pawang mga produktong gawang China, sa isang warehouse sa Quirino Avenue, Brgy. Tambo ng nabanggit na lungsod.

Nagharap ng ‘Letter of Authority’ sa warehouse ang raiding team na binubuo ng mga miyembro ng Enforcement and Security Service, Philippine Coast Guard, National Bureau of Investigation, at Port’s Customs Intelligence and Investigation Service, para mainspeksiyon ito.

Ang smuggled products ay inimbentaryo na para sa kaukulang pagsasampa ng kaso sa may-ari ng nasabing warehouse. (DAVE MEDINA)

Read More

54 RIDERS TINIKITAN SA MALING HELMET

0

UMABOT sa 54 motorcycle riders ang tinikitan ng mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) dahil sa hindi pagsusuot ng standard na helmet, sa ikinasang operasyon noong Miyerkoles ng umaga.

Naaktuhan ng mga tauhan ng i-ACT Special Operations Team sa kanilang operasyon sa Bgy. Ususan, Taguig City, ang motorcycle riders na karamihan ay gumagamit o nakasuot ng “nutshell” helmet na karaniwang isinusuot ng mga nagbibisikleta at nag-i-skateboarding.

Tinatawag ang nasabing helmet bilang “nutshell” dahil kalimitan ang itaas na bahagi lamang ng ulo ang natatakpan nito at walang visor sa mukha at butas-butas din ito.

Ipinaliwanag ng i-ACT na hindi pasok ang nutshell sa panuntunan ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa tamang helmet, at lalong mapanganib para sa mga nagmomotorsiklo dahil hindi protektado ang buong ulo lalo na sa mga mabilis magpatakbo.

Alinsunod sa Republic Act 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009, pagmumultahin ng mula P1,500 hanggang P10,000 ang motorcycle rider na mahuhuling hindi nakasuot ng standard helmet.

Samantala, limang sasakyan, kabilang ang apat na van na umano’y pawang colorum at isang jeep na walang QR code na kailangan para makapasada, ang na-impound ng grupo ng I-ACT at Land Transportation Franchising and Regulatory Board. (DAVE MEDINA)

Read More