(BERNARD TAGUINOD) “HINDI na nahiya, mali na nga ang ginawa, ipinagyayabang pa.” Ito ang pahayag ni Gabriela party-list Rep. Ferdinand Gaite sa ipinagyayabang umano ni Special Envoy to China na si Ramon Tulfo na nabakunahan na ito ng Sinopharm vaccine. Isinulat ni Tulfo sa kanyang kolum sa Manila Times na nabakunahan na ito ng Sinopharm kasama ang ilang gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte at isang senador. Ayon kay Gaite, ilegal ang ginawa ni Tulfo dahil malamang ay smuggled ang bakunang itinurok sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa nag-a-apply…
Read MoreDay: February 24, 2021
PARANGAL KAY VICO PINURI SA SENADO
PINAPURIHAN ni Senador Panfilo Lacson ang pagkakapili kay Pasig City Mayor Vico Sotto bilang isa sa 12 personalidad na tinukoy bilang International Anti-corruption Champions” ng US State Department. Ang pagsaludo sa batang Sotto ay isiniwalat ni Lacson sa pamamagitan ng Twitter. “The bright beacon of the land,” saad ni Lacson na tumutukoy kay Mayor Sotto. Ipinaalala rin ni Lacson na dapat magtaglay ng seryoso at matapang na kampanya laban sa korapsiyon ang mga umuusbong na maaring maging susunod na lider ng bansa. “At least we have good reason not to…
Read MorePAGHAHATI SA MAGUINDANAO NAPAPANAHON
NANINIWALA si Senador Francis ‘Tol’ Tolentino na mas bubuti ang kalagayan ng ekonomiya at sitwasyong politikal sa Maguindanao kung ito’y hahatiin sa magkahiwalay na lalawigan. Sinabi ni Tolentino, chairman ng Senate Committee on Local Government, hinog na ang panahon upang mahati sa dalawang probinsya ang Maguindanao upang mas mapabilis ang pasok ng mga pangunahing serbisyo na may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, at transportasyon sa mga liblib nitong komunidad. Si Tolentino ang pangunahing may akda sa Senado ng panukalang batas na layong hatiin ang nasabing probinsya sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous…
Read MoreDTI PINAKIKILOS SA MAHAL NA TUYO AT DILIS
NANAWAGAN si Sen. Grace Poe sa Department of Trade and Industry (DTI) na kumilos patungkol sa mga ulat na tumaas na rin ang presyo ng tuyo at dilis sa mga pamilihang bayan o palengke at kakaunti na lamang ang nabibili ng mahihirap sa bawat tingi nitong nakabalot o nakapakete. Ayon kay Poe, kailangang kumilos kaagad ang DTI matapos umanong umabot na sa P300 hanggang P400 ang bawat kilo ng tuyo sa mga palengke at ang presyo naman ng dilis ay nasa P400 hanggang P600 ang kilo. “‘Yung mga kababayan nating…
Read MoreSARA 2022 IBINASURA NI DIGONG
(CHRISTIAN DALE) KINONTRA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ideya na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Ang dahilan ng pangulo, kababuyan ang politiko sa bansa sabay bira sa kanyang long-time critic na si dating Senador Antonio Trillanes IV. Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang situation briefing hinggil sa epekto ng bagyong “Auring”, Martes ng gabi sa Tandag City, Surigao del Sur, nang bigla na lamang hikayatin ni Governor Alexander Pimentel ang pangulo na ang ipalit sa kanya ay si Mayor Duterte-Carpio…
Read MoreGOV’T SUPPLIERS, CONTRACTORS DAPAT BAYARAN – SOLON
UMAASA ang isang mambabatas sa minority bloc sa Kamara na bibigyan ng agarang aksiyon ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang animo’y pagsusumamo ng iba’t ibang government suppliers at contractors na sila ay mabayaran lalo’t hirap na rin sila dulot ng nararanasang pandemya. Ayon kay House Deputy Minority Leader at Marikina City Rep. Bayani Fernando, kung dapat palakasin ang ‘Build, Build, Build’ program na kabilang sa hakbanging muling ibangon at pasiglahin ang ekonomiya ng bansa na sumadsad sanhi ng national health crisis, kinakailangang tapatan ito at maging masigasig din ang…
Read More370 PAMILYANG BIKTIMA NG BAGONG ULYSSES SA BULACAN, TUMANGGAP NG AYUDA
MAHIGIT 370 pamilya na biktima ng bagyong Ulysses ang nabigyan ng tulong ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa bayan ng Pulilan, Bulacan. Sa pahayag, personal na iniabot ni Go ang iba’t ibang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad na sinaksihan ng ilang mga local na opisyal sa nabangit na bayan. Kabilang dito ang ilang grocery, vitamins, facemask at face sheild ang tinanggap ng mga benepisyaryo bukod pa ang tig-P5,000 na tulong pinansiyal na mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nagbigay rin ng ayuda ang Department…
Read MoreMASISISI NYO BA ANG TAO NA MAGALIT?
HINDI ko masisisi ang mga tao na madismaya dahil napag-iiwanan na tayo sa covid-19 vaccination dahil maging ang mga maliliit at mahihirap na bansa tulad ng Bangladesh ay nagsimula nang magbakuna pero tayo ay nganga pa rin hanggang ngayon. Tayo ang may pinaka-istrikto at pinakamahabang lockdown sa mundo dahil hanggang ngayon ay nasa general community quarantine pa rin tayo, pero nahuhuli pa rin tayo sa pagbabakuna. Nabaon na rin tayo sa utang dahil sa pandemya, pero hindi pa nararamdaman ng mga tao ang positibong epekto ng napakahabang lockdown at napakalaking…
Read MoreFACE TO FACE CLASSES ‘DI PA DAPAT
HINDI rin sang-ayon ang PUNA sa panukala ng ibang opisyal ng gobyerno na magkaroon na ng face to face classes. Sang-ayon tayo sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay mayroon munang bakuna bago ang face to face na pagpasok ng mga bata sa eskwela. Mahirap na baka sa halip na makabuti ay makasama pa at biglang dumami ang may Covid-19. Lalo na ngayon na may UK variant na tinatawag. Madali pa man din itong makapanghawa. Mas nakakasiguro tayo na ligtas ang ating mga anak kung magkaroon muna ng…
Read More