NATUTULUNGAN NG PITMASTER FOUNDATION, LALONG DUMARAMI

HINDI maitatanggi na dumarami pa ang mga manggagawang tinatamaan ng Alert Levels 3 at 4 na ipinatutupad ngayon sa halos 100 lugar sa bansa. Siyempre, sila ang mga kuwalipikadong mabigyan ng P5,000 one-time cash assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) na COVID Adjustment Measures Program (CAMP). Sabi ng DOLE, ginawang online ang proseso para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19. Aba’y puwede rin naman daw tulungan ang construction workers. Kung maaalala, nauna nang hinikayat ng DOLE ang mga employer na sila na ang mag-apply para sa lahat ng empleyado.…

Read More

OFW, TUMALON SA BINTANA SA RIYADH

Aksyon OFW

MAGANDANG araw mga ka-Saksi. Ingat po palagi sa ­COVID-19 at palagiang magsuot ng mask para iwas sa hawaan. Nakatanggap po tayo ng mensahe sa kamag-anak ng isang OFW na nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia ­kamakalawa. Humihingi po ng tulong sa POLO-OWWA sa Riyadh ang pamilya ni kabayaning Jean D. Herrera, 29-anyos, tubong Masbate na makuha at mapauwi na siya sa Pilipinas. Dumating si kabayaning Jean sa Riyadh noong April 4, 2021 at nai-deploy ng SAMA INTERNATIONAL RECRUITMENT AGENCY. Ang kanyang amo ay ­nakilalang si Abdulrahman ­Shaeaa Abdulrahman Al Khemesah. Narito…

Read More

QUEZONIAN AT SI DOKTORA HELEN TAN

DAHIL sa likas na pagiging matulungin at madaling lapitan bukod pa sa kaliwa’t kanang mga proyekto ay patuloy na lumalakas ang suporta ng ­Quezonian kay Quezon 4th District Representative Doktora Helen Tan. Maging ang mga taga-barangay na nag-tsa-chat o lumalapit sa kanya ukol sa kanilang mga problema ay hindi niya ­binibigo at ito’y inaaksyunan agad ni Congresswoman Tan. Patunay riyan ay ang agarang aksyon ni Doctora Helen Tan sa inilapit ni Kagawad Renan ­Ferrer ng Brgy. Concepcion ­alasan para sa kanyang constituents na nangangailangan ng oxygen. Kabilang din sa mga…

Read More

PAGKAANTALA NG PAGLILIMBAG NG BALOTA

MISTULANG problema ang kinakaharap ng Commission on Elections (Comelec) sa inilabas na temporary restraining ­order (TRO) ng Korte Suprema kaugnay ng mga petisyong inihain ng party-list groups na tinabas mula sa mahabang talaan ng mga hangad ay lumahok sa halalan. Dangan naman kasi, nagsimula na ang proseso sa pag-iimprenta ng balotang gagamitin ng mga botante sa pagpili ng national at local officials, maging ang party-list group na ­kakatawan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang siste, hindi na nakasama ang mga party-list sa unang bugso ng ­paglilimbag ng balota sa…

Read More

EXPANDED SOLO PARENTS WELFARE ACT, PIRMA NA LANG NI DUTERTE HINIHINTAY

IKINATUWA ni Senator Risa Hontiveros ang ratipikasyon ng bicameral report sa Expanded Solo Parents Welfare Act, na kanyang isinulong sa Senado. “Isang belated pamasko ito para sa kapwa ko solo parents. Pirma na lang ng Pangulo, magiging batas na. Matagal nang humihingi ng saklolo ang milyon-milyong solo parents sa ating bansa, kaya ikinagagalak nating ibalita sa bawat solo mama at solo papa na sa wakas, nakahanda na ang tulong at alalay,” saad ni Hontiveros. Kasama sa panukalang batas ang mga karagdagang benepisyo para sa mga solo parents at kanilang mga…

Read More

BICOL REGION KASAMA SA PROGRAMA NG UNITEAM

SINIGURO ng UniTeam na hindi maiiwan ang Bicol region sa lahat ng magiging proyekto ng pamahalaan sakaling ito ang maluklok sa pwesto sa darating na eleksyon. Ito ang iginiit ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kasabay ng pahayag na bahagi ng kanilang kampanya ang pagkaisahin ang bansa kaya dapat lamang na masiguro na walang maiiwan sa mga programa ng pamahalaan. “Of course not, hindi naman ganun ang aming (paraan) ng pulitika eh, the elections and politics have their place pero pagka-dumating tayo sa serbisyo publiko, eh siguro ‘wag na…

Read More

Mga isyu isa-isang sinagot MEDIAMEN HINARAP NI BBM

DIRETSAHANG sinagot ni Presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang iba’t ibang katanungan ng mga miyembro ng media kaugnay ng kanyang mga plano sakaling mahalal na pangulo sa Mayo. Sa pagharap sa ALC Media Group sa pangunguna ni ALC Chairman D. Edgard Cabangon sa Makati City nitong Lunes ng umaga, binigyang-diin ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas ang pagpabor sa No Vaccination, No Ride policy ng DOTr at paglilimita sa galaw ng mga hindi bakunado kontra COVID-19 upang mapag-ingatan ang mas nakararaming Pilipino at mapigilan ang pagkalat ng virus.…

Read More

Madugong kabanata ng PNoy admin SAF 44: HUSTISYANG HANAP MISTULANG MAILAP

(DANG SAMSON-GARCIA) MATAPOS ang pitong taon, nananatiling bangungot sa pamilya at iba pang mahal sa buhay ang masaklap na pagpanaw ng 44 na magigiting na miyembro ng Philippine National Police – Special Action Force (SAF) na pinaslang ng mga teroristang namumugad sa katimugang bahagi ng bansa. Higit pa sa pagpanaw ang hinanakit ng mga kaanak ng mga itinanghal na bayani. Ang giit ng kanilang mga naulilang pamilya – hustisya. Anila, magpahanggang ngayon ay wala man lang napanagot sa kapabayaan ng mga noo’y nakapwesto. Sino pa nga ba ang mananagot kung…

Read More

KABAYANIHAN NG SAF 44 BINIGYANG PUGAY NG PNP-PRO5

HINDI makalilimutan ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 ang kabayanihan ng 44 kasapi ng PNP Special Action Force na nag-alay ng kanilang buhay mahuli lamang ang world most wanted terrorist, kaya isang wreath laying ceremony ang inalay ng Bicol PNP sa pangunguna ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, kahapon, Enero 25, 2022, na napakahalagang araw, sa harap ng PRO5 Heroes Shrine, Camp BGen Simeon A. Ola, Legazpi City. Ayon kay Bicol PNP chief, pagpapakita lamang ito ng paghanga at pagkilala bilang pakikiisa sa buong sambayanang Pilipino sa…

Read More