ANAK, NAPATAY NG BALUT VENDOR

QUEZON – Napatay sa saksak ng isang balot vendor ang kanyang sariling anak na tinedyer nang magkasagutan ang mga ito sa kanilang bahay sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang 19-anyos na biktimang si Edrian Quejano dahil sa tama ng saksak sa dibdib at sa beywang.

Ayon sa tatay na si Arnold Macalinga Quejano, 46, nasaksak niya ang anak dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang sarili.

Batay sa imbestigasyon ng Sariaya police, bago ang insidente dakong 6:30 ng gabi, pinagalitan ng tatay ang anak habang nasa kanilang bahay sa Barangay Balubal dahil sa hindi nito paggawa sa kanilang mga gawaing bahay. Sinundan ito ng mainitang pagtatalo ng dalawa.

Nang paalis na ang suspek para magtinda ng balot ay bigla umano itong sinugod ng biktima at sinuntok. Nakakuha naman ang ama ng itak at sinaksak ang biktima.

Agad namang nadakip ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong parricide. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment