JIMUEL AT HEAVEN NAKARAMDAM NG GALIT SA ISA’T ISA

0

BILANG panganay na anak nina Manny ay Jinkee Pacquiao ay nakaranas din ng palo si Jimuel Pacquiao  noong kanyang kabataan. “Yeah! kasi makulit po ako noong maliit ako eh. Hindi naman po ‘yung grabe talaga. I feel blessed that I’m part of the family and he’s my dad. As a father he really raised us well. Like to me he’s the best dad anyone can ever have,” nakangiting pahayag ni Jimuel.

Pagdating sa pagdidisiplina sa kanilang magkakapatid ay mas mahigpit daw ang ina ayon kay Jimuel. “She’s more vocal, kasi si Dad konti lang ang sasabihin niya. Pagdating sa disciplining like kapag may mali kaming nagawa, that’s Mom talaga,” dagdag ng binata.

Katulad ng ama ay nahilig din ang Jimuel sa pagboboksing. Tutol din umano si Jinkee sa pagkahilig ni Jimuel sa boksing. “Yes po, first time ko kasi magpaalam na gusto kong lumaban. Kasi eventually I just keep training tapos hindi na nila ako mapigilan. Actually kung siya (Manny) ang tatanungin po, hindi na raw kailangan mag-boxing. Pero kung gusto ko raw po talaga, he would just support me,” pagbabahagi niya.

Samantala, matatandaang nagkahiwalay bilang magkasintahan sina Jimuel at Heaven Peralejo noong isang taon. Ayon sa binata ay talagang hindi na bumalik ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa kahit noong nagkabalikan pa sila. “It was really tough the way we ended the first… we got back again. Kasi po it’s the first time I’m gonna say it na lang. It was really tough and parang may galit po kasi the first time hindi po maayos ‘yung pagka-break. Sa isa’t isa (may galit) that time. Over time naman po nawawala naman po kasi ‘yung galit. Tapos parang no’ng galit kami parang ni-regret namin kaya napag-usapan din namin ‘yon kaya parang nagkabalikan kami. Pero the second time around it was like a peaceful break up. Ngayon we’re good with each other. Sometimes we have shows outside and wala naman po kaming problema sa isa’t isa,” pagtatapat ni Jimuel.

Ngayon ay kay Barbie Imperial naman nauugnay ang binata. “Actually we’re really good friends. Hindi po (nanliligaw), friends po. Different level, ngayon po, wala po.” pagtatapos ni Jimuel.

 

Read More

DENISE, NANDIRI NANG MAKIPAGHALIKAN KAY JAKE

0

SA Linggo ay magtatapos na ang horror drama series na ‘The Haunted’ sa ABS-CBN na pinagbibidahan nina Denise Laurel, Jake Cuenca at Shaina Magdayao.

Ayon kay Denise ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang bawat eksena sa kanilang final episode. “The Haunted is a show that is driven by love and trust, and compassion and tortured hearts. I am one of those characters that are hurt and longing for love, and just want somebody to love her. Obsessed ako to have a partner kahit nasa kabilang buhay pa. Madami pa kaming pasabog and secrets to be revealed for you guys,” nakangiting pahayag ni Denise.

Aminado ang aktres na nakaramdam sila ng pagkailang ni Jake nang gawin ang isang kissing scene para sa naturang programa.

“Ito po yata ‘yung pinakamahirap na nagawa ko sa buong career ko, kissing Jake Cuenca. He’s my brother, nandidiri kami sa isa’t isa. We were laughing, we were just looking at each other and we were like, ‘Let’s just do this one take so that we don’t have to do it again. Let’s be professionals,’” natatawang kwento niya.

Samantala, hindi na bago kay Denise na nasasabihan paminsan-minsan ng ‘mataba.’

Para sa aktres, hindi na niya kailangang makipagtalo sa mga nagsasabi sa kanya nito. “In our culture that’s usually how people greet one another if I’m being honest, ‘Oh tumaba ka, oh! Pumayat ka!’ That’s the first thing people say. There was a point na sensitive ako and somebody said, ‘Oh tumataba ka ah, parang bumibilog ka yata.’ And I was like, ‘That’s okay, nice to see you too.’ I just posted that because I want to show people that you have to be sensitive to one another. At the same time, love who you are. Every body has a different mold and what’s different about you is what gonna make you stand out. And for all the haters out there, I love you anyway,” makahulugang pahayag ng aktres.

 

Read More

5 BAGONG CONGRES’L DISTRICT NAKOPO NG POLITICAL FAMILY

congress12
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

EXCLUSIVE

KINOPO ng mga kilalang political family ang limang  bagong congressional district sa apat na lalawigan  na itinatag ngayong 17th Congress sa katatapos na eleksyon.

Ito ang lumabas natuklasan ng Saksi Ngayon base sa resulta ng bilangan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at maging ng Commission on Elections (Comelec).

Ngayong 17th Congress ay inaprubahan ang mga panukalang  dagdagan ng isang distrito ang Laguna kaya mula sa dating limang distrito ay naging anim na ito kung saan, ang nanalo ay asawa ni Laguna Gov. Ramil Hernandez na si Ruth Hernandez.

Tinalo ng babaing Hernandez ang apat niyang kalaban na nagtangkang maging kauna-unahang kinatawan ng bagong tatag na distrito ng lalawigan ng Laguna.

Naging walo na rin ang Congressional District ng Cavite matapos dagdagan ito ng isang distrito kung saan ang miyembro ng Remulla na si dating Cavite Gov. Boying Remulla ang unang uupo sa bagong tatag na disrito ng lalawigan matapos talunin ang nag-iisang kalaban.

Dalawang miyembro naman pamilyang Dy na kilalang political family ang umupo sa dalawang bagong congressional district sa probinsya ng Isabela.

Nanalo bilang kinatawan ng ika-5 distrito ng Isabela si Faustino Michael Dy III at tinalo ang isang kalaban na si Edwin Uy habang si Inno Dy ang magiging kinatawan naman ng ika-6 na distrito.

Ngayong 17th Congress ay apat lang ang distrito ng Isabela subalit dinagdagan ito ng dalawa kaya magiging anim na ang kinatawan ng lalawigan sa 18th Congress.

Naging dalawa na rin ang dating lone district ng Aklan matapos dagdagan ito ng isa pang distrito kung saan mula dating congressman ng lalawigan ang nanalo na si Nonong Haresco.

Dahil dito, magiging 243 ang Congressional district sa buong bansa kabilang na ang limang bagong distrito na sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon na ng kinatawan sa 18th Congress.

Read More

‘TARA’ SA CUSTOMS: P36K PARA SA SENATE ‘BET’ NI DU30

bong1
0

(NI ATTY. VIC RODRIGUEZ/PUBLISHER)

GASGAS ang pangalan ni dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa mga tinaguriang ‘tarador’ ng Bureau of Customs sa bawat lagay o tara na ipinanghihingi umano ng mga ito para sa kampanya ng paboritong kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa mapagkatiwalaang ‘saksi’ sa Aduana, umano’y pinamumunuan ng isang Alyas ‘Marics Winner’ ang koleksyon raket para umano sa campaign fund raising ni Go.

Sa sumbong ng ‘saksi’ sa PeryodikoFilipino, Inc. investigative team, si Alyas Marics Winner ay bahagi ng tinatawag sa Aduana na “dynamic duo” na mga talamak na ‘tarador’ sa mga pantalan ng bansa.

Ang ‘tara’ ay aabot sa halagang P36k kada lata, o container, at ito ay pinaghahatian ng hindi bababa sa sampung (10) tanggapan ng tinaguriang pinakakorap na ahensiya, magmula sa Office of the Commissioner hanggang district collectors,” pahayag pa ng ‘saksi’ sa PFI investigative team.

Nagbigay rin ang ‘saksi’ ng isang detalyadong listahan ng mga opisyal na nangongolekta at tumatanggap ng pera at gumagamit sa pangalan ni Go para kumolekta ng tara sa mga negosyante at importers.

Nagbabala pa ang ‘saksi’ sa interbyu ng PFI investigative team na matapang at buo ang loob ng mga tiwaling opisyal sa kanilang lantad at tahasang pagsuway sa personal na kampanya ni Pangulong Duterte laban sa korapsiyon “kung kaya’t marami ang kumbinsido na ang ‘tarahan’ ay malamang sa hindi ay mayroong ngang basbas mula sa isang mataas na opisyal na malapit kay Duterte.

Makailang ulit nang nagbanta ang Pangulo ng republika na kanyang sisibakin sa puwesto ang sinomang opisyal na maulinigan niyang sangkot sa iligal na gawain gaya ng pangungurakot, influence peddling at mga gumagamit ng kanilang posisyon para magpayaman.

Base sa ipinakitang listahan ng ‘saksi,’ detalyado ang mga personalidad at opisina sa BOC na sangkot sa P36k ‘tara’ per container at kung paano at magkano ang kanilang nagiging hatian sa utos umano ng isang abogado mula sa tanggapan ni Commissioner Guerrero.

Mariin ang bintang ng ‘saksi’ sa Aduana na si ‘Marics Winner’ lang umano ang authorized na mangasiwa ng ‘centralized tara system’ sa pagitan ng Office of the Commissioner (Ocom), IG at Office of the Collector kung kaya’t nananawagan ang mga negosyante kay Senatorial Candidate Go na imbestigahan at ipahuli at usigin ang nasa likod nitong ‘tara’ sa BOC.

Patuloy ang pagsasaliksik ng PFI investigative kung gaano kalawak ang ‘centralized tara system’ at kung sino pa, maliban sa ‘Dynamic Duo,’ ang obyus na kalawang sa BOC.

 

 

Read More