33 BARANGAY SA PASAY NI-LOCKDOWN

ISINAILALIM sa lockdown ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang 33 barangay dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19.

Nakapagtala ang lungsod ng 7,594 kabuuang kaso ng COVID-19, saad ng Pasay Public Information Office (PIO).

Ayon sa PIO, sa nasabing bilang ay 364 ang bilang ng mga aktibong kaso.

Inamin ng PIO na trumiple ang virus cases ng lungsod mula noong Huwebes hanggang Sabado kumpara sa nakaraang mga araw.

Nakita rin ng OCTA Research Group ng University of the Philippines, ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa Pasay City.

Batay sa monitoring ng Department of Health (DOH), ang Pasay City ang pinaka-masahol sa 16 lungsod at isang munisipalidad sa National Capital Region (NCR), kaugnay sa mga kaso ng COVID-19.

Matatapos ang “strict lockdown” sa 33 barangay sa Marso 5, pahayag ni City administrator Dennis Acorda. (MARINHEL T. BADILLA)

129

Related posts

Leave a Comment