63 pang kawani covid positive NAVOTAS LOCKDOWN PINALAWIG

0

NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-019, na nagpapalawig hanggang Marso 9, 2021 sa ipinatutupad na lockdown sa Navotas City Hall matapos madagdagan ng 63 pang mga kawani nito ang mga positibo sa COVID-19.

Damay rin sa lockdown ang Navotas City Hall Annex (kasama ang NavoServe) at ang Franchising Permits Processing Unit.

“Para mapangalagaan ang kapakanan ng bawat empleyado at mga mamamayang pumupunta sa city hall, kinailangan pong habaan pa ang ating lockdown,” ani Tiangco.

“Kung may urgent concerns man po sa alinmang tanggapan ng pamahalaang lungsod, maaari po kayong mag-email sa office.mayor@navotas.gov.ph,” patuloy ng alkalde.

Muling nagpaalala si Tiangco sa mga mamamayan na manatiling maingat dahil hindi nakikita ang virus.

“Kahit hindi man natin iindahin ang COVID-19, maaaring ang mga kasama natin sa bahay na mahihina ang katawan ang lubhang maapektuhan o mamamatay. ‘Wag po tayong kampante at magtulungan tayo para mapigil ang paglala ng hawaan sa ating lungsod,” pagtatapos ng punong lungsod. (ALAIN AJERO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment