BEBOT TIMBOG SA PANGGOGOYO

NAPIGIL ng mga awtoridad ng Manila Police District ang modus operandi ng isang 39-anyos na babae matapos nitong tangkaing manggoyo ng isang negosyante sa umano’ y ‘disinfection service’, iniulat ng pulisya.

Dahil dito, kasong attempted estafa ang kinahaharap ng suspek na si Marichu Santos, dalaga, ng #770 Panay St., Brgy. Pitogo, Makati City.

Batay sa ulat ng MPD-Station 6, nagbabantay ng kanyang negosyo na JD’s Patahan at Manukan sa Pedro Gil St., Sta. Ana, Manila ang biktimang si Paul Hedeo, 25, residente ng Brgy. Kawilawan, Makati City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-4:45 ng hapon nang lapitan ng suspek si Hedeo.

Siningil umano ng suspek ng P4,480 ang biktima para sa serbisyong ‘disinfection’ para sa kanyang puwesto.

Ngunit tumanggi si Hedeo dahil sa hindi naman siya nangontrata kaninuman at wala ring ‘disinfection service’ na ginawa sa puwesto ng kanyang negosyo.

Nagkaroon nang pagtatalo ang dalawa hanggang dumulog ang biktima sa barangay.

Sa barangay hall, natuklasan na peke ang iprinesentang resibo ng suspek at wala ring kaugnayan sa anumang kumpanya ang suspek hinggil sa ‘disinfection services’.

Bukod dito, hindi rin umano nakapagpakita ang suspek ng anumang dokumento na nagpapatunay na nagkaroon sila ng kasunduan hinggil sa 0’disinfection services.’ (RENE CRISOSTOMO)

156

Related posts

Leave a Comment