POWER INTERRUPTION NG MERALCO NGAYONG LINGGO

meralco8
0

(NI KEVIN COLLANTES)

MAKARARANAS ng panibagong serye ng power interruptions ang mga kostumer ng Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, ngayong linggo dahil na rin sa nakahanay nilang maintenance work.

Batay sa abiso ng Meralco, ang power interruption ay magsisimula ngayong Marso 25, Lunes, at magtatagal hanggang sa Marso 31, Linggo.

Ayon sa Meralco, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Maynila, Quezon City, Valenzuela City, Caloocan City, Las Pinas City, Marikina City, Taguig City, at Malabon City, gayundin ang ilang lugar sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Kabilang sa isasagawa ng Meralco ay line reconductoring, paglilipat ng mga pasilidad, pagpapalit ng mga sirang poste ng kuryente at iba pa.

Una nang nagpatupad ng power interruptions ang Meralco sa iba’t ibang lugar noong nakaraang linggo lamang dahil rin sa maintenance work.

Nilinaw naman ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na hindi kakulangan sa suplay ng kuryente ang dahilan ng mga power interruptions.

Aniya, isinasaayos lamang nila ang kanilang mga pasilidad at mga linya ng kuryente para na rin sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanilang mga kostumer.

Humihingi rin naman ang Meralco ng pang-unawa sa kanilang mga kostumer dahil sa abalang idudulot ng kanilang maintenance work.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment