SHOPLIFTER NABITAG SA SUPERMARKET

0

KUSANG loob na sumuko sa Manila Police District-Baseco Police Station 13, ang dalawang isinangkot sa pagpaslang sa isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau noong Setyembre 6 sa Port Area, Manila.

Ayon sa ulat ng pulisya, nang makita nina Melissa Asjali y Santos, 38, vendor, ng 12th St., Port Area, at Arnel Abas y Balacana, 33, Brgy. Lupon ng Brgy. 650 ng nasabing lugar, ang kanilang larawan habang nanonood ng Facebook Live ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ay boluntaryo silang sumuko sa Brgy. EX-O ng Brgy. 650 na si Rodolfo Trono para linisin ang kanilang pangalan.

Sa report ng pulisya, napatay noong Setyembre 6 bandang alas-9:52 ng umaga sa panulukan ng Railroad St. at 12th St. sa Port Area ang biktimang si Ronald Malonzo y Costelo, 39, MTPB Traffic Marshal, at residente sa #1955 Modesto St., Malate, Manila.

Dakong 8:00 ng gabi nang dalhin sa MPD-Station 13 ang dalawang suspek na boluntaryong sumuko at saka sila itinurn-over sa MPD-Homicide Section para sa isailalim sa imbestigasyon.

Samantala, napag-alaman mula sa alkalde, isa pang dahilan kung bakit nagsagawa ng clearing operation sa Port Area ay dahil sa malimit ang patayan sa lugar.

Ipinakita pa ng alkalde ang video na parang balewala lang nang pagbabarilin ng dalawang gunman ang biktima habang naglalakad papasok sa isang iskinita. (RENE CRISOSTOMO)

Related posts

Leave a Comment